HOTEL? Kung wala sigurong isang taong dumaan, baka OA na ang reaksiyon ni Diosa. Baka nag-inarte na siya at nag a la inosenteng virgin. Galit-galitan na siguro siya at magpupumilit lumabas sa kotse at magpababa sa kung saan. Hindi niya gagawin iyon. Sumama siya kay Rohn para makipag-usap—sa kalye man yan o sa loob ng hotel, makikipag-usap siya. Makikipag-usap lang. Totoong iyon lang ang gusto niya. Hindi siya takot kay Rohn at hindi na rin siya takot sa sarili. Alam na niya ang gusto niya at hindi. Mahina man si Diosa pagdating kay Rohn, sapat ang alaala ng baby niya para panghawakan ni Diosa ang sariling emosyon. Natuto na siya. Tumango lang si Diosa at nanahimik. Nasa City proper din ang hotel kaya walang limang minuto ang biyahe nila mula sa Mall. Ipinasok ni Rohn ang kotse sa pa
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


