THIRTY minutes na lang ay closing time na. Nagbibilang na ng cash si Macaria habang si Diosa ay nag-aayos ng mga stocks. Wala na silang customer—meron pa pala, biglang pumasok si Rohn at deretso sa isang parte ng Diyosas. Nakanganga—iyon ang parehong reaksiyon nila ni Macaria nang sinamsam nito ang mga underwear—naka-hanger at naka-box. Inilang hakbang lang nito ang counter at inilapag doon ang mga unang kinuha. Binalikan ang natira at kinuha uli. Inubos nito lahat ng naka-display! “Yosh, ikaw muna dito,” si Macaria na halatang nagpipigil tumawa. “Tatawagan ko pala si Attorney.” Nakatayo na ito at iniwan na ang puwesto sa harap ng cash register bago pa siya nakasagot. “Iba-iba ang sizes niyan, Sir,” sabi nito pagtapat kay Rohn. “Baka gusto n’yong isang size na lan

