A year later… “YOSH, mauubos na ang yaman niyan sa kakapakyaw ng best design ko, maawa ka,” bulong kay Diosa ni Macaria. Lunes ng araw na iyon. Siya ang naka-duty sa Diyosas, ang four months old nilang Boutique. Ang produkto nila, gamit ng mga ‘Diyosa’—mula underwear hanggang fashion hats. Dress, blouses, skirts ang pinakamarami nilang produkto. Slim, medium, plus size na babae, available sa Diyosas. May isang set din ng maternity blouses, design ni Macaria at bagong labas lang three weeks ago. Ang produkto nila, nahahati sa tatlong klase: Imported, design ni Macaria at local—ibig sabihin, galing divisoria. Nasa loob ng Mall sa Pugad Agila ang puwesto nila. Martes at Huwebes, duty ni Lemuella. Biyernes, Sabado at Linggo, si Babylene. Si Macaria na mas madalas sa warehouse, sa mga araw

