NAKANGANGA nang matagal sina Diosa at Lemuella pagkatapos ng mahabang salaysay ni Macaria tungkol sa sumpa sa mga Mahinhinon virgins. Nasa terrace sila ng master’s bedroom, oras ng sunset. Ang balita pala na sinasabi ni Macaria ay tungkol sa sumpa. Hawak na nito ang resulta ng imbestigasyon na sinimulan ni Floro bago ito namatay. Sa haba ng pagsasalaysay ni Macaria habang isa-isa nilang binubuklat ang folder files para sundan ang mga pangalang binabanggit nito, isa lang ang malinaw na naintindihan ni Diosa—na mukhang gets na gets rin ni Lemuella dahil hindi na rin maipinta ang mukha nito. “Hindi totoo ang sumpa?!” ang anyo ay parang gustong mag-amok. “Miserable ako ngayon dahil sa lintek na sumpang ‘yan ‘tapos hindi pala totoo? Ikinalat ng kaaway ng pamilya para

