INAYA nilang sumabay sa hapunan si Dodot na hindi naman nito tinanggihan. Napansin agad ni Diosa na hindi ito gaya ng dati na maraming sinasabi at nagbibiro. Tahimik si Dodot nang sandaling iyon. Kumain lang at parang nakikiramdam. Siguro, tinatantiya ang sitwasyon—kung okay na ba siya o hindi pa. Natatakot yata na mas masaktan pa siya. Si Lemuella na napansin ang katahimikan, inusisa si Dodot. Tungkol na sa pagkanta nito ang usapan, ang mga paborito nitong kinakanta, ang mga fans, ang mga babae nito at kung may babae na bang hinarana—hindi na natapos pa ang tanong ni Lemuella. Si Diosa ay piniling makinig lang. Pagkatapos ng hapunan, nag-kape silang tatlo sa terrace ng kuwarto ni Diosa. May wooden loveseat doon na nakaharap sa bilog na mesang may dalawang upuan

