Twenty Six

1406 Words

HINDI na matahimik si Diosa. Hatinggabi na ay wala pa si Rohn. Nakapatay ang cell phone nito kaya hindi niya matawagan. Ang alam niya, sa farm lang nag-iikot ang lalaki kaya umaalis ng bahay.             Iba ang araw na iyon. Biglaan daw na umalis si Rohn ayon sa house boy. Hindi papayag si Diosa na walang masagap sa mga kasama sa bahay. Kinausap niya ang dalawang maid. Kay Clara siya nakakuha ng ‘chika’. May tumawag daw kay Rohn. At hindi  daw sa farm ang punta nito—paluwas daw ng Maynila.             Hindi naman naging ugali ni Rohn ang magpaalam kay Diosa kaya hindi na siya nag-usisa sa text. Gustong gusto niyang magtanong pero pinigil ang sarili. Baka naman magmukha siyang demanding na asawa. Baka masakal pa ang lalaki at itaboy siya. Laging iniisip ni Diosa na hindi sila ‘normal’ n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD