“YOSAH?” Nagulat si Diosa sa boses ni Rohn kaya nailapag niya ang inaamoy na pabango. Wala talaga ang scent na gusto niya sa mga pabango na naroon. Dalawang araw na siya sa farm house. Binigyan siya ni Rohn ng sariling kuwarto—baka daw gusto niya ng privacy at ayaw niya ng katabi, puwede siyang matulog sa guest room. Kung gusto niya namang may katabi—at maamoy ang bango nito, kumatok lang daw siya sa pinto dala ang unan niya. Natuwa si Diosa na binibigyan siya nito ng personal space. Walang reklamo si Diosa sa pakikitungo sa kanya ng mga tao sa farm house—si Nanay Belen, dalawang mga dalagang maid at isang house boy. Simpleng Yosah lang ang pakilala sa kanya ni Rohn sa lahat. Alam ng mga ito na pinsan siya ni Ariah. Sunod sunod na instructions ang binanggit ni

