Twenty Three

1057 Words

HINDI na nagulat si Diosa nang ginising siya ng masamang pakiramdam. Hindi unang beses iyon na masakit ang ulo niya at nahihilo. Agad na bumangon ang dalaga at tinakbo ang pinto para mabilis na makalabas. Sa mga ganoong pagkakataon, gusto niyang bumalik sa rest house sa Baguio—na nasa loob ng kuwarto niya ang banyo. Madali sanang gawin ang paglalabas ng masamang pakiramdam. Hindi gaya ngayon na kailangan pa niyang lumabas ng kuwarto at takbuhin ang banyo o lababo—mas pinili niya ang banyo.             Nagduduwal si Diosa. Wala naman siyang mailabas. Mas masakit pa naman magsuka na walang mailabas. Pakiramdam niya ay bituka na ang mailuluwa niya sa mga susunod na minuto. Nanghihinang napaupo siya sa sahig ng banyo, pilit iniipon ng nanginginig na kamay ang sabog na buhok. Hindi man nakiki

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD