Twenty Two

1365 Words

"NAIINITAN ako kaya bawal ang katabi," si Diosa, inaabot sa cabinet ang extra kumot at punda. Mabigat ang katawan niya. Kung magbabiyahe sila papuntang Bataan, baka maubos ang lakas niya sa kakasuka. Hindi niya gustong subukan ang sarili. Sinabi niya kay Rohn na susunod na lang siya sa Bataan. Tahimik na lumabas ng bahay si Rohn. Inakala pa ni Diosa na hindi nagustuhan ang sinabi niya. May kinuha lang pala sa sasakyan—gym bag? "May dala akong gamit," sabi nito, medyo nakangiti. Hihintayin daw nito na maging okay ang pakiramdam niya. Pang tatlong araw daw ang baon nitong gamit. Hindi na itinago ni Diosa ang malapad na ngiti. Natuwa siyang maghihintay si Rohn. Nang mawala si Lola Meryan, lagi nang mag-isang natutulog sa bahay si Diosa. Laging tahimik ang gabi. Ang mga pinsan na tumatambay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD