JACKLYN "Jughead..." pagtawag ko sa aking alagang pusa. Mag-iisang oras na akong naghahanap kay Jug pero hindi pa rin siya lumalabas. Nilibot ko na ang mansyon pero walang bakas niya. "Jackie!" sabay na sigaw nina Tina at Roda. Tumigil sila sa harap ko at hingal na hingal. "Anyare sa inyo?" takang tanong ko. Kinabahan ako nang iabot nila sa akin ang collar ni Jug na may cat paw na naka-engraved ang pangalan niya. Si Baste pa mismo ang nagpagawa nito noong ibinigay niya si Jughead sa akin. "S-saan niyo 'to nakita?" "Dun sa gu-hu-bat Jack..." hinihingal pa din si Tina. "Gubat? Paano ito napunta sa gubat?" "Hindi din namin alam Jackie eh..." sabi naman ni Roda na malungkot dahil siya ang nag-aalaga at nagpapakain kay Jug kapag wala ako. "Wala siya doon?" muli kong tanong. Dumadagund

