JACKLYN Isang linggo ang matuling lumipas. Si Lena ay nakabalik na sa Maynila. Nagtataka ako sa isang iyon, mula nang umuwi siya ng madaling araw noong party ay naging balisa siya. Dalawang araw pa siyang nanatili dito sa Nueva Ecija bago bumalik sa Maynila. Ramdam kong may mali, pero hindi ko siya kinulit dahil alam kong kapag kaya niya na ay magke-kuwento din siya. Sa loob din ng isang linggo ay si Baste ang naghahatid sundo sa akin. Naging masyado din siyang clingy. Palagi siyang nakayakap, nakahawak sa kamay ko, at palagi niyang hinahalikan ang noo ko. Hindi na naulit ang paghalik niya sa labi ko dahil ang sabi niya may oras kami para roon sa hinaharap, pero hindi ko pa rin ito makalimutan. Kapag naman nag-uusap kami ay madalas malayo ang tingin niya, ano bang problema ng isang i

