JACKLYN Matapos ang gabing puno ng saya at kilig ay nagsiuwi na rin ang mga bisita, ang mga kasambahay naman ay nagligpit na rin katulong ang catering services na kinuha ni Baste. Inihatid naman ako ni Baste pabalik sa likod bahay kung saan nandoon ang mga bahay namin. Nakayuko lang ako habang naglalakad kami, si Baste ay naghu-hum ng 'Wait For You'. Nakatungo lang ako dahil hanggang ngayon ay ramdam ko pa din ang kuryenteng tumulay sa labi ko nang walang pakundangan akong halikan ni Baste sa harap ng mga bisita. "Sana naging masaya ka ngayon Jackie," pagkuwa'y sabi ni Baste, di na siguro natiis ang katahimikan ko. Huminto ako sa paglalakad at tumingala sa kanya, tumigil din siya sabay tingin sa akin, "Hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya ngayon Baste. Sobra yung pasasalamat ko a

