JACKLYN Napanganga ako nang marealize na ito ang ibinigay sa'kin kaninang tanghali. Parang slow motion ang paligid habang naglalakad siya ng marahan palapit sa'kin, titig na titig ang abuhin niyang mata na parang anumang oras ay hihigupin ang pagkatao ko. Tumugtog ang intro ng kantang 'Ikaw Lamang' ng Silent Sanctuary. Ayan nanaman ang maligalig na t***k ng puso ko. Yumukod siya sa harap ko at inilahad ang kamay niya, "May I have this dance Jacklyn?" at ngumiti ng makalaglag panty. Pakiramdam ko nga ay nasira ang suot kong underwear nang hawakan niya ang kamay ko na hindi ko namalayang inabot ko na pala. May sariling landi rin talaga ang kamay ko! Nahigit ko ang hininga ko nang hapitin niya ako palapit sa kanya, muli ay umugong ang asaran at tuksuhan, pero hindi ko sila gaanong nar

