CHAPTER 10 BEAUTIFUL IN MY EYES

1946 Words
JACKLYN "Happy Birthday Jacklyn!" wika niya habang palapit sa'kin, inabot niya ang kumpol ng Hydrangea na kulay pink at violet. Nanginginig ang kamay na tinanggap ko ito at ngumiti, "S-salamat Baste..." Inialok niya sa'kin ang braso niya, nakuha ko naman ang ibig niyang sabihin kaya inangkla ko ang braso ko sa kanya at sabay na kaming lumakad papunta sa garden kung saan ginaganap ang kasiyahan. Bago kami makarating sa garden ay biglang huminto si Baste, napatingin ako ng may pagtatanong sa kanya. Humarap siya sa akin bago huminga ng malalim, "I just want to take this opportunity to say that, you are so beautiful tonight Jackie. I don't regret spending a lot because it's all worth it. You are worth it..." saad nito sa paos na boses habang pinagsasawa ang mga mata sa mukha ko, puno ng pagkamangha at kasiyahan ang mata niya habang nakatingin sakin. I can also see love. Love? Hoy Jackie anong alam mo sa pag-ibig? Pero hindi ko din alam kung ano itong nababasa ko sa mga mata niya. Pinaglandas niya ang hintuturo niya sa buong mukha ko, waring isang pintor na kinakabisa ang mukha ng ipipinta niya upang makuha nito ang tamang linya at tamang hulma para sa obra nito. Namimigat ang talukap ng mata ko sa kakaibang sensasyon ng ginagawa niya, hindi ko napigilang mapapikit nang makitang pababa ang mukha niya palapit sakin. Naka-focus ang mga mata niya sa labi kong napaawang. Nakakaramdam ako ng pananakit ng tiyan, parang gusto kong bumalik sa bahay para mag banyo. Juskopo bakit naman ngayon pa sumakit yung tiyan ko kung kailan parang... parang hahalikan niya ako... OMG handa na ba ako? Kay Baste na ba mapupunta ang tamis ng unang halik ko? 'Shunga di ka nababanyo, naeexcite ka!' sigaw ng isip ko. Eto ba yung sinasabi nilang 'butterflies in your stomach' na nararamdaman kapag ninenerbiyos at naeexcite? Eto na ba yung sinasabi nina Lena at ng mga kaibigan ko na nararamdaman kapag nakikita mo ang taong gusto mo? Eh madalas kong maramdaman ito sa lalaking kaharap ngayon! Naghihintay akong lumapat ang nakakapang-anyayang labi ni Sevazte sa nakausli kong nguso pero nakaramdam ako ng yamot nang bumagsak ang halik niya sa noo ko. Kagyat akong napadilat at nakitang kagat-labi siyang nagpipigil ng tawa. "Aba't! Bakit mo ko pinagtatawanan Innocencio?" ambang sasapukin ko siya nang tumawa siya ng tuluyan at pinigilan ang kamay ko sa gagawin ko sa kanya. "I know you want to have a taste of me, but be patient baby bear. Darating din tayo riyan. C'mon everyone is waiting..." Nang maalala ang itinawag nito sa kanya ay hinatak niya ito ng marahan, "Sagutin mo nga ako, ikaw ba ang nagpadala ng bulaklak kanina?" Ngumisi siya at tumango, "Eh bakit di na lang ikaw mismo ang nag-abot? Bakit kailangan ibang tao pa?" "Eh di nalaman mong hindi talaga ko lumuwas ng Maynila? Your reaction is so priceless if you just know, mabuti at magaling ang nakuha kong videographer at na-capture niya ang moment na iyon..." yun lang at iginiya niya na ako sa garden kung saan patapos nang kumain ang lahat habang may malamyos na musikang nagpi-play mula sa banda, ang sarap pakinggan ng violin. Pinaakyat ako ni Baste sa mini stage katabi niya kung saan may mic sa gitna at may upuang pang prinsesa na kulay puti. Lumapit siya sa mic at papoging tumikhim para maagaw ang pansin ng mga tao. Di naman siya nabigo dahil biglang nagpalakpakan ang lahat nang makita kami sa stage, hindi nakaligtas sa mata ko ang parang nakuryenteng reaksyon ng mga kaibigan ko nang pasadahan ng tingin si Baste, paano ay nagmukha siyang Prince Charming sa porma niya ngayon. Nakita ko din ang ilang kadalagahan na madalas mag-alay sa kanya ng mga pagkain na ikinataas ng kilay ko sa nakikitang pagkamangha at pagkakilig. Gusto kong itupi si Sevazte sa walo at ilagay sa bulsa ko para maitago lang sa mga gutom na leon na nag-aabang na matikman siya. Habang nagsasalita siya at nagpapasalamat sa lahat ay ikinawit ko ang braso ko sa kanya na ikinagulat niya ng bahagya at napatingin sakin, nakarinig naman ako ng mga 'Sanaol' na panunukso sa amin. Napangisi naman ako at pinalakpakan ang sarili ko internally dahil nakuha ko ang reaksyon na gusto ko. Nakangiti ako ng malaki sa lahat, nang ako na ang magsasalita ay inalis ni Baste ang pagkaka-kawit ng mga braso namin na ikinasimangot ko. Ngunit nabigla ako nang hapitin niya ang bewang ko at pagkatapos ay tumitig sa'kin. Ginagantihan ba ako ng lalaking ito? Napansin niya siguro ang malalagkit na tingin sa akin ng ibang binata dito ngayon, kasama na si Tope na anak nina Mang Julio. "M-Magandang gabi po sainyong lahat. Gusto kong magpasalamat sa pagdalo niyo sa aking kaarawan. Salamat din dahil pinasaya niyo akong lahat ngayon, lalong-lalo na si Baste..." tumingin ako sa kanya at ngumiti, naramdaman kong lalong humigpit ang pagkaka-kapit niya sa bewang ko. "Kung hindi dahil sa'yo, hindi magiging masaya itong 16th Birthday ko," muli akong humarap sa lahat. "Hindi ko inexpect na magkakaroon ng ganitong klase ng party para sa akin, ang hiling ko lang naman kaninang umaga pagdilat ko ay makasama ang mga mahal ko sa buhay. Kayo ha! Sabi niyong lahat magsisialis kayo tapos eto pala yung pagkaka-abalahan niyo kaya madaling-madali kayong paalisin ako kaninang umaga!" kandahaba na ang nguso ko sa pagtatampo sa mga kasama ko sa mansyon dahil lahat sila ay iniwasan ako kaninang umaga. "Magmumukmok na sana ako sa kwarto ko, natakot pa 'ko dahil akala ko napunta na ako sa kaharian ng mga engkanto dahil sa walang ilaw sa buong mansyon kanina. Maraming salamat sa buong pamilya ko, kina Lolo, Lola, Lena at higit sa lahat kay Nanay. Kahit wala siya dito ngayon, alam kong tumatawid ang pagmamahal niya sa'kin sa katauhan ng pamilya ko. Tita Penny, Tito DJ maraming salamat din po! Kung wala po kayo, wala ring Baste na nag-abalang ipaghanda ako ngayon," sa sinabi ko ay nagtawanan silang lahat. "Aling Doray, Aling Tetay, Mang Julio pati na din kina Tope, Tina at Roda, salamat dahil mula nang ipanganak ako hanggang ngayon, itinuring niyo akong kapamilya... Mahal ko kayo! At siyempre kahit wala dito sina Mam Bea at Sir Gael eh magpapasalamat din ako sa kanila dahil sila ang dahilan kung bakit nakilala ko kayong lahat. Sa pagiging mabuting tao nila, sa pagtulong sa aming pamilya. Muli maraming salamat po! Mag-enjoy po kayong lahat ngayon!" napaluha ako nang magpalakpakan silang lahat. Umakyat sa stage sina Celeste at Suzette, inagaw nila sa akin ang mic na ikinakunot ng noo ko. "Magandang Gabi mga Ka-Mansyon!" sabay na sigaw nila, aba at sila pala ang host ngayong gabi. Kaya pala kuntodo ang ayos nilang dalawa. Nagsigawan at nagpalakpkan naman ang lahat. Inalalayan akong umupo ni Baste sa pang prinsesang upuan at mayamaya ay bumaba siya, pagbalik ay may dala na siyang inumin. Bigla kong naramdaman ang pagkalam ng sikmura ko, oo nga pala at hindi pa ako kumakain. Narinig yata ni Baste ang paghuhuramentado ng tiyan ko dahil kahit maingay ang paligid ay napangiti siya indikasyon na umabot sa pandinig niya ang pagwewelga ng mga alaga ko sa tiyan. "Tara kumain ka muna, mahaba pa naman ang program," yaya niya sa'kin at napatingin kina Set at Suzy na nagsimula nang magpalaro sa mga bisita. Ang nilalaro nila ngayon ay Pinoy Henyo at ang pinahuhulaang salita ay title ng kanta, at ito ay "FOREVERMORE", ang humuhula ay si Lena at ang nagpapahula ay si Inggo na hindi alam kung paano iaakting ang salita. Dinala ako ni Baste sa lamesa nina Lola at Tita Penny, "Anong gusto mong kainin?"tanong niya, naka focus kasi ako sa laro kaya naman sinabi kong kumuha ng kahit ano. Libang na libang ako kina Lena, may time limit na 3 minutes ang paghula kaya medyo mahaba ang oras. Umakting si Inggo na kumakanta na nakasalikop ang kamay at umuugoy ang katawan. "My Way?" "Mali!" Iminuwestra ni Inggo ang long hair at pagkatapos ay kumanta, sabay kumpas ng mga kamay. "Ano ba?! Lupang Hinirang?" "Who Let the Dogs Out?" "Di Kita Malilimutan?" "Thriller?" "Ano ba Inggo langya ayusin mo nga!" asar na asar na sigaw ni Lena, si Inggo naman ay nagkakamot lang ng ulo habang itinuturo niya silang dalawa. Gusto niyang ipahiwatig na may poreber sila! "Mukhang nahihirapan ang ating mga players, gusto niyo bang bigyan ng clue?" tanong ni Set habang hindi matigil si Suzy kakatawa sa tabi niya. Ang babaeng yon kung makatawa daig pa lalake, wala siyang pake kahit mas malakas ang tawa niya kesa sa ibang bisita. "Oo!" "Hindi!" Tawang-tawa ako dahil hati ang grupo kung magbibigy ng clue, pero mas lamang ang hindi kaya yamot na yamot si Yelena ngayon. Napakamot sa ulo si Inggo, may isang minuto na lang silang natitira, yun din ang pagbalik ni Baste na may dalang maraming pagkain, "Jackie kumain ka muna..." "Wait lang Baste tapusin ko lang sila Lena," wika ko at napatingin muli kina Lena. Umarte si Inggo at itinuro silang dalawa sabay guhit ng puso tapos ay ikinukumpas ang kamay na parang duyan, tumaas ang kilay ni Yelena na ikinatawa naming lahat. Tuloy pa din si Inggo sa pag arte. "Humanap ka ng Panget?" muling hula ni Lena na nagpatawa sa lahat ng nanonood ngayon. Kita sa mukha ni Inggo na buwisit na siya sa mga title na pinagsasabi ni Lena habang kaming mga nanonood ay tawang-tawa. Natapos ang oras nila at nagsisihan sila, nang mabasa ni Lena ang pinapahulaang salita ay sumama ang mukha niya, "Hoy! Ang layo naman ng inakting mo kanina! Tinuro mo pa tayong dalawa tas may puso hoy yak! Walang Poreber!" at nag walk out na si Lena tapos ay lumapit sa lamesa namin. "Oh bakit ba yamot na yamot ka? Ngumiti ka nga Salome," saad ko na natatawa. "Eh ang shunga kasi ni Inggo! Sana itinuro niya kayong dalawa ni Baste! Kayo lang naman may poreber dito eh!" maktol nito kaya mabilis akong nabulunan, to the rescue naman agad si Baste na katabi ko at pinainom ako ng tubig. "Oh kita mo nabulunan ka pa si kilig. Mali talaga yan si Inggo! Sayang ang dalawang libong pa-premyo!" daldal niya habang hinahagod ni Lola ang likod ko. "Ikaw nga Lena tumigil ka kakatukso dito sa pinsan mo, tignan mo at pulang-pula na!" lahat sa mesa namin ay nakangiti na. Tinapos ko na ang pagkain na may panaka-nakang panonood sa palaro. Maya maya ay umakyat na ulit kami ni Baste, tinawag ang mga kabinataan dahil may 16 Roses daw. Nahihiya man ay pumayag na din ako, tumugtog ang banda ng intro ng kantang "Beautiful in My Eyes" at nagpalakpakan ang lahat nang pumailanlang ang isang napakagandang boses. Hinanap ng mga mata ko ang pinanggalingan ng boses at nakita ko sa gilid kasama ng banda si Baste at kumakanta habang nakatitig sa'kin. Hindi ko mapigilang kiligin sa paraan ng paninitig niya habang kumakanta. Parang ako na yung pinakamagandang babae sa balat ng lupa. Una kong nakasayaw si Tito DJ, inabutan niya ako ng Blue Rose na matingkad ang kulay, sunod naman ay si Mang Julio, tapos ay si Tope, kasunod si Inggo, at ang iba ay mga anak na ng mga kasamahan namin sa mansyon, pakiramdam ko kasing pula na ng kamatis ang mukha ko dahil sa mga papuring natanggap ko sa mga nakasayaw ko. 'Asan na ba si Baste, bakit di ko pa siya nakakasayaw?' Nang matapos si Arlo na anak ni Aling Doray ay biglang lumitaw si Baste kasabay ng pagtatapos ng kantang 'Isn't She Lovely' na kinanta ng mismong vocalist ng bandang inupahan niya, hawak niya ay tatlong pulang rosas na ikinumpol gamit ang isang... singsing? Hindi ba't iniwan ko na ito sa lamesa namin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD