CHAPTER 9 CELEBRATION

2029 Words
JACKLYN Napahawak ako sa dibdib yakap ang bulaklak sa sobrang gulat sa pagsabog ng dalawang confetti. Napanganga ako nang makita ang paligid, puno ng fairy lights na may malamlam na ilaw ang nakakalat sa mga puno. Mayroong mga telang nakasabit sa itaas na kulay puti at pink. Mayroon ding mini stage na ang backdrop ay foil na kurtina, rose gold naman ang kulay nito. Alam na alam talaga ni Baste ang gusto ko, may nakalagay pang istante at nakalagay doon ang numerong 16, nakapalibot ang lobong kulay puti, gold, at rose gold na pinalamutian ng fairy lights. May malaking nakasulat din na 'Happy Birthday' sa gitna ng backdrop, animo 18th birthday ko ang ayos ng paligid. Nabaling ang tingin ko sa mga taong ngayon ay nakangiti sa akin at palapit habang kumakanta ng 'Happy Birthday'. Lahat ng hindi ko inaasahan ay nandito, si Lena, sina Lolo at Lola, lalo na si Baste pati na ang dalawang kaibigan kong sina Set at Suzy na ngayon ay kumakanta din. Nandito din sina Tito DJ, Tita Penny, pati na ang mga anak nina Mang Julio. Ang ilang trabahador ng rancho at taniman ay naririto rin. Si Nanay ay wala talaga at tanggap ko naman yon, pero ang akala ko ba.... "Happy Birthday! Happy Birthday! Happy Birthday Jacklyn!" Ay sorry hindi pa pala sila tapos kumanta, lumipad sandali ang isip ko dahil sa galak. Sigawan at palakpakan ang mga tao sa paligid, nangingibabaw ang pinsan kong si Lena katabi ang mga kaibigan kong sina Celeste at Suzette na akala ko may mga lakad, yun pala ay dito din ang punta. Lumapit sakin si Baste na may hawak na cake na may naka print na mukha ko at nakasulat ang mga katagang, 'Happy Birthday Baby Bear! 143!' Baby Bear? 143? Ano yan sa Globe kapag magre-redeem ng points? Teka! Sisipatin ko na sana ang note sa bulaklak nang magsalita si Baste. "Happy Birthday Baby Bear! Please make a wish!" nakangiti ito, pero malabo siya sa paningin ko dahil hilam sa luha ang mga mata ko. Lahat sila ay nakangiti at naghihintay sa wish ko. Pakiramdam ko mukha akong tuod ngayon dahil hindi ako nakapag-react sa gulat. "Nangangalay nako Jackie tititigan mo na lang ba 'ko? Bakit, ako ba ang wish mo?" Sa sinabi ni Baste ay bumalik ako sa katinuan, narinig ko pa ang tawanan ng mga tao tsaka ako pumikit sabay hiling. 'Lord, nawa'y magkaroon na ng asawa si Nanay para maging masaya po siya ng tuluyan at hindi siya tumandang mag-isa. Mabuting kalusugan at mahabang buhay para sa aking Lolo at Lola, kasiyahan at matagumpay na buhay para kay Lena. At nawa'y maging ligtas ang lalaking kaharap ko ngayon sa kung saan man siya pupunta, sana ay mahanap niya ang daan pabalik sa akin...' yun lang at dumilat na ako sabay hipan sa kandila. Nagpalakpakan ang lahat at nginitian ko sila habang umiiyak, ito na yata ang isa sa pinakamasayang birthday na naranasan ko. Wala man si Nanay ay nandito naman ang mga taong alam kong nagpapahalaga sa'kin at mahal ako, alam kong kung kaya lang ni Nanay ay uuwi siya dito pero mas mabuti na ito para makatipid siya. "Ang kapal naman ng mukha mo Baste para isiping ikaw ang wish ko!" kahit umiiyak ay inaway ko pa din si Baste, inabot niya kay Mang Julio ang cake at niyakap ako. Nakarinig ako ng mga apiran at tuksuhan mula sa mga tao sa paligid, hindi ko idinilat ang mata ko dahil nahihiya akong makita ang mukha nila. Alam kong aasarin nila ako dahil yakap na yakap kami ni Sevazte sa isa't isa. "Happy Happy Birthday Jacklyn! Sana masaya ka ngayon. Pinilit kong makauwi si Nanay Jemma kaso ang mahal ng pamasahe eh..." napapalatak pa ito habang nagsasalita, may panghihinayang sa boses niya pero ako ay nakangiti. Sobrang busog ang puso ko ngayon dahil hindi ko inakalang may pa surprise birthday party ang mokong na ito. Ang akala ko ay nakalimutan na ako ng lahat, yun pala ay nagkampihan sila para gawing masaya para sakin ang araw na ito. Pero teka- tama ba yung narinig ko, Nanay Jemma? Kailan niya pa tinawag na Nanay ang Nanay ko? "Baka naman pwede ko nang yakapin yung pinsan ko Baste! Tulala na oh!" tukso ni Lena at lumapit na samin, lumayo naman si Baste. "Jacklyn Amberlee! Happy Birthday! Akala mo ba nakalimutan kong birthday mo? Ako pa ba? Ako lang ang pinakamaganda mong pinsan-" "Oo na sige ikaw lang naman talaga ang pinsan ko!" "Yan mabuti nang alam mo. Eto kasing si Baste tumawag sa'kin nung isang araw at sinabing sosorpresahin ka niya, pinakiusapan niya akong huwag kang babatiin hanggang hindi ka nakakauwi galing school..." nakangiti si Lena tapos ay niyakap akong muli. Miss na miss ko ang pinsan kong ito. "Ang ganda mo ngayon Salome ah! Alagang-alaga ka sa Maynila! Parang gusto ko na din mag-alaga ng mga anak nina Kuya Adam!" wika ko na sinundan ng tawanan namin. "Hindi na, mukhang mas alaga ka ni Baste dito. Tignan mo naman ang ayos ng paligid, siya ang punong abala sa lahat ng yan. Pagdating ko kanina tarantula ang isang iyan sa pag-aayos at pagmamando sa mga trabahador pati na kina Aling Tetay at Aling Doray!" nakangiti siya habang hinahagod ang buhok ko. Napangiti ako at muling dumako ang tingin ko kay Sevazte na matamang nanonood sa amin. May kakaibang emosyon na sumasalamin sa mga mata niya ngayon, parang kaiba ang mata niya kesa sa ngiti sa labi niya. "Maligayang Kaarawan sa'yo apo ko!" Yumakap sakin ang Lolo at Lola ko at muli ay napaiyak ako. Ngayon lang mawawala ang mga ito kung sakaling totoong sa Cabanatuan sila pupunta, ni minsan ay wala silang pinalampas na birthday ko. Palagi kaming magkakasama mula noon. "16 ka na Jackie, gusto mo na bang mag-boypren? Aba eh sige papayagan kita! Wala naman ang Nanay mo eh kaya sagot kita!" pilyong sabat ni Lolo Arth at kinindatan ako, umani naman siya ng hampas mula kay Lola Carms dahil sa kalokohan niya. "Ikaw talaga kung anu-ano ang itinuturo mo sa apo mo!" "Eh bakit? Noon ngang nabuntis kita-" tuloy pa rin ang dakdak ni Lolo kahit takip na ni Lola ang bibig niya na ikinatawa naming lahat dahil nauungkat nanaman ang kwento ng pag-ibig nina Lola. "Happy Birthday Jackie... Pasensya ka na at ngayon ka lang namin nabati ha? Eto kasing anak ko napakadaming arte. Gustong-gusto na kitang lapitan kaninang umaga pero hindi ako makalapit dahil pinipigilan ako nito ni Inno," nakasimangot si Tita Penny habang nakatingin sa nagkakamot-ulong si Baste. "Happy Birthday hija... My son is really smitten by you Jackie. Lahat ng ito ay pinaghandaan niya para sayo. Maraming salamat at na-appreciate mo si Inno." "Nako Tito opo naman po. First time ko pong maka-experience ng ganito kaya umaapaw po ang pasasalamat ko kay Baste!" saad ko habang nakatingin kay Sevazte na nakangiti sa akin, nginitian ko din siya. Yung ngiting totoo, yung walang ibang halong emosyon. I mouthed 'Thank you' to him, and he just gave me a finger heart as an answer. "Happy Birthday JackJack!" sabay na tili nina Suzette at Celeste at ikinulong ako sa mga yakap nila. Ang bilis magbihis ng mga ito, mukhang dito sila dumiretso kanina nang maghiwa-hiwalay kami at may baon silang mga damit. "Kaya pala 'di niyo pinapansin ang pahaging ko kanina, nakipagsabwatan pala kayo dito kay Baste!" inirapan ko silang dalawa na ikinatawa lang nila. "Siyempre, sino ba namang hindi susunod diyan kay Macho Gwapito eh pinakitaan ako ng mala-close up commercial na ngiti kahapon! Kahit galit ako sa pag-ibig... hindi ko mapigilang kiligan nang banggitin niya ang surprise niya sayo!" nagtatalon pa si Celeste dala ng kilig at halos itulak ako kay Baste. "Hay naku girl kung alam mo lang, magdamag akong kausap nito ni Set kaya nalaman kong may pa-surprise ang boylet mo. Hindi ko na siya aagawin sayo bHie, nakita ko kung paano siya naging kamag-anak ni Spiderman dahil sa pagkataranta lalo nang dumating kami dahil panigurado kasunod ka na..." kwento naman ni Suzette na naka kapit sa braso ko. "Huwag mo nang pakakawalan yan si Sevazte ha Jackie? Mukhang patay na patay sa'yo yan, kita mo naman sariling pera niya daw ang ginamit niya dito," bulong ni Set habang nakabilog kaming tatlo. Lalong pumogi sa paningin ko ngayon si Baste. "Oh pano ba yan mga ka-mansyon! Kainan na! Jackie anak halika dito, at dahil birthday mo ito ikaw ang unang kukuha ng mga pagkain... tena dali..." sigaw ni Aling Tetay sa lahat, at lumapit sa'kin para ako daw ang maunang bumawas. Namangha ako sa dami ng pagkain na nasa lamesa, buffet style ang mga ito at mukha pina-cater pa ni Baste at hindi sila Aling Tetay ang nagluto. Napanganga ako nang makitang may 4-tier cake na rose gold din ang kulay at may maliliit na edible beads at Hydrangea ang design ng mga icing. Bukod pala sa selfie cake na hinipan ko kanina ay may inihanda pang cake itong si Baste. Masayang kumakain ang lahat, umuwi muna ako sandali sa bahay dahil may nakahanda daw akong damit doon sabi ni Lola. Pagpasok ng bahay ay napanganga ako dahil sa talulot ng mga rosas na naka-kalat sa bahay namin. Na-appreciate ko ito, pero naiinis ako dahil pati dito ay nagkalat ang lalaking iyon! Pagdating si kwarto ay nanlaki ang mata ko sa gown na naroon. Isa itong Quinceanera dress na kulay peach, off-shoulder with matching pakulambo sa magkabilang braso. Bumukas bigla ang pintuan ng kwarto at iniluwa non si Lena na nakangiti sa akin, ngayon ko lang din napansin ang dress na suot niya, mukha itong prom dress na maiksi ang version. "Tara na at naghihintay na ang date mo sa labas, tutulungan kitang magbihis..." "Gusto kong maligo-" "Ay nako Jacklyn walang aamoy sa'yo sa labas, at isa pa airconditioned itong kwarto mo, pati na classroom niyo kaya alam kong hindi ka pinawisan maghapon. Hala sige hubad na aayusan pa kita!" Inabot kami ng treinta minutos sa pag-aayos. "Ang ganda mo Jackie para kang diyosa! Kung nandito si Tiyang panigurado iiyak yon! Eh di ka niya kamukha eh!" binuntutan niya pa ng tawa, tinapik ko naman siya sa braso. Di ako makapaniwalang ako ang nakikita ko sa salamin, parang nag-iba talaga ang itsura ko, parang hindi ako... Bumagay ang ball gown style na suot ko at tama lang ang haba nito, sukat na sukat din ang gown na parang pangalawang balat ko na. Na-emphasize ang may katam-tamang laki na dibdib ko. Hindi na ako pinagsuot ng bra ni Lena dahil may padding na daw ito. May magic yata ang kamay nitong pinsan ko dahil may maliliit na parang bulaklak ang nakasabit sa wavy kong buhok na itinirintas niya ang magkabilang gilid sabay ipon sa likod at hinayaang nakalugay ang iba. Light lang din ang make-up ko na bagay sa inosenteng mga mata ko. Tulala lang akong nakatitig sa repleksiyon ko sa salamin. "Oh isuot mo ito, si Baste din ang pumili niyan! Nako ang ganda mo talaga insan! Lalong maiinlab sayo niyan si Innocencio!" pumapalakpak pa ito habang kinikilig at pagbibida kay Baste. Ang damit ay sukat na sukat sa'kin, pati ang sapatos na kulay pilak at 3-inch ang taas ay saktong-sakto sa paa ko. Mabuti at sanay ako magsuot ng heels dahil na din sa mga ipinapadala ni Atasha at Mam Beatrix, nagamit ko din ito sa mga contest sa dati kong school. Paano niya nalaman lahat ito? Di naman niya ko tinanong ah? "Babalik na ako sa party, dalian mo nang lumabas diyan ha!" wika nito at lumabas na. Huling sulyap pa sa sarili ko bago ako nag mirror selfie at ipinadala kay Nanay. Siguro ay busy ito ngayon kaya hindi pa tumatawag. Paglabas ko ng bahay ay nakita ko si Baste na nakayuko, pag-angat niya ng ulo ay owemgee... Bakit ang guwapo niya ngayon? Ang kulay kape niyang buhok ay naka brush-up, mukha itong dinilaan ng baka sa kintab. Nakasuot siya ng 3-piece navy blue suit na hapit sa katawan niya with teal colored necktie, lumitaw ang magandang hubog ng hita at binti niya sa hapit na pantalon at makintab na pointed black shoes. Overall, isa siyang masarap na nilalang- este gwapong nilalang!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD