CHAPTER 8 HAPPY BIRTHDAY

2243 Words
JACKLYN Pagmulat ng mga mata ko kinabukasan ay ngumiti lang ako ng mapait, "Happy Birthday to me..." a lone tear fell off my eyes when I realized Nanay is not around, Lena is in Manila, Lolo and Lola are not here, and most especially Baste is somewhere around the metro. Mabilis akong kumilos para pumasok, pagdating sa likod ng mansyon kung nasaan ang mga sasakyan ay ang nakangiting si Mang Julio ang sumalubong sakin, "Magandang umaga Jackie!" nakakatawa ang itsura ni Mang Julio dahil bukang-buka pa ang braso niya na parang sinusurpresa ako. Asawa ni Aling Tetay si Mang Julio, halos sila na ang nakagisnan kong pamilya bukod kina Lolo at Lola kaya naman para ko na silang pangalawang magulang. Kasundo ko din ang mga anak nilang sina Kristoffer at Kristina na halos ka-edad ko lang. Napangiti naman ako sa nakakahawang ngiti niya, "Good morning din po Mang Julio. Mukhang maganda ang gising natin ngayon ah! Bukang-buka eh!" sabay turo sa braso niya na hanggang ngayon ay nakataas pa din. Tinawanan niya lang ako habang nagkakamot ng ulo, "Good mood lang nak, oh siya tara na at baka mahuli ka pa sa klase mo." Sumakay na ako sa sasakyan habang naka kunot-noo. Noon ay isa si Mang Julio sa mga unang bumabati sa akin kapag kaarawan ko, pero ngayon ay mukhang nakalimutan na niya. Posible bang makalimutan niya yon kahit sila ni Aling Tetay ang tumulong kay Nanay noong nanganak ito sa mansyon? Gusto kong magtampo at umiyak pero bumuntong hininga na lang ako at tumingala para hindi maiyak sabay takip sa tenga ko. Ganito ang ginagawa ko para hindi ako maiyak, titingala at tatakpan ang dalawang tenga ko. Pagdating sa school ay dumiretso agad ako sa classroom, may dala akong pera dahil pinadalhan ako ni Nanay noong isang araw. Ililibre ko sina Celeste at Suzette, sila lang naman ang mga ka-close ko sa mga kaklase ko kaya sila lang ang ililibre ko. "Uy Jack!" tawag sakin ni Suzette na mukhang kakatapos lang sumabak sa kakaibang klaseng giyera dahil sa kalat-kalat na lipstick at gusot na uniform. Sikat si Suzette sa campus dahil na rin sa madalas na pagsali nito sa Popularity Contest mula noong first year high school pa lang siya. Pareho sila ni Celeste na may kaya sa buhay kaya naman madali lang din sa kanyang mamigay ng load kapag botohan na sa contest. Ang galing 'di ba? Pero maganda rin talaga si Suzette, maputi, matangkad, matalino, pero isa lang ang problema, playgirl itong si Suzette at hindi na mabilang ang mga naging boyfriend nito mula nang tumuntong ng high school. Sabi nga nito, 'Collect and collect, then neglect!' Kung magpalit ng boyfriend ito ay mas mabilis kesa sa paglalaba ng sarili niyang panty! Napapailing na lang ako, pero mabait naman ito kaya naman naging kaibigan ko. Nakita kong inayos nito ang sarili at nagsuklay na, "Huy Jackie bakit parang Biyernes Santo ang mukha mo ngayon? Anong ganap? Natulala ka ba sa ganda ko? Bhie ako lang to bhie!" wika nito sabay flip ng mahaba niyang buhok na tumama sa kaklase naming si Riftan na natutulog sa likod niya at biglang nagising sabay tingin sa amin ng masama. Tinaasan lang ni Suzy ng kilay si Riftan tapos ay bumalik na ito sa pagkakatulog. Nakalimutan din ba ng isang 'to na birthday ko ngayon? Samantalang pinag-usapan na namin ito last week at ang usapan pa ay pupunta kami sa SM Cabanatuan para mamasyal at ililibre ko sila ni Set. Pero ngayon parang nagdadalawang-isip na ako. Huminga muna ako ng malalim bago sumagot, "Wala wag mo kong pansinin PMS lang..." pagsisinungaling ko. Mula kahapon ay masama na ang timpla ko, mukhang kahit birthday ko ngayon ay hindi talaga ako sasaya. "Magandang Umaga Plebians! Dumating na ang inyong Diyosa kaya lumuhod kayong lahat!" sigaw ni Celeste na nakahawi pa ang kamay sa pintuan ng classroom at mayabang na nakatingin sa aming lahat. Ang mga kaklase naming lalake na may gusto sa kanya ay lumapit agad at lumuhod sa harap niya, parang mga tangang sumunod kay Celeste at sinamba siya. Mga sira-ulo rin eh, katulad yata ito ni Baste na isang anito na sinasamba ng mga kababaihan. Langya. "Oy di ko kaibigan yan, nakakahiyang mapaugnay sa babaeng yan!" nagtakip kami pareho ni Suzy ng mga mukha at tinalikuran si Celeste na pinapaypayan na ngayon ni Alfonso na patay na patay sa kanya. "At bakit niyo ako kinakahiyang dalawa?" saad nito paglapit sa'min pero hindi namin siya tinitignan. "Aba't! Sige kayo wag niyo kong pansinin hindi ko kayo ililibre na sa coffee shop namin!" tili nito at sabay din kami ni Suzy na inalis ang takip sa mukha at mabilis na humarap sa kanya at ngumiti sabay sorry. "Mga lapastangan kayo! Nung sinabi na wala nang libre biglang kaibigan ko na kayo ulit! Ang galing!" tinapik niya kaming dalawa ni Suzette at nagtawanan na kami ulit. "Buti dumating ka na Set at napatawa mo na itong kaibigan nating pang Holy Week ang aura," maarteng wika ni Suzy ni ikinailing ko lang. "Why? Anong problema ng Jackie namin? Inaway ka ba ni Macho Gwapito kaya malungkot ka? Nasaan na ang lalaking yan at aawayin ko!" kunwa'y galit na turan ni Celeste habang hinahagod ang buhok ko. "Wala akong problema Set may PMS lang ako ngayon..." "Asus... bakit 'di ako naniniwala sa'yo?" wika ni Celeste na nakahawak sa baba niya at akala mo ay nag-iisip talaga. Mabuti at dumating na si Ms. Castro para sa unang subject namin kaya nakaligtas ako sa mga tanong nila tungkol sa sambakol na mukha ko. Lumilipad ang isip ko ngayon dahil na rin sa huling pag-uusap namin ni Baste kahapon. Hindi ko pa nabubuksan ang regalong ibinigay niya sa akin dahil 'di ko pa naman birthday kahapon. Mamaya ko yun bubuksan pag-uwi ko. Hawak hawak ko lang ang kwintas na ibinigay niya sa'kin. Hindi ko ito hinuhubad pwera na lang kung maliligo ako. Kapag hawak ko ito ay nawawala ang mga agam agam sa isip ko. Pagtunog ng bell signalling our lunch time ay inaya ko ang dalawa sa FayeBrew Café sa labas ng school na pinaunalakan naman nila. Mukhang nakalimutan talaga nilang birthday ko ngayon, hindi na lang ako nagsalita dahil baka mamaya pang uwian nila ako batiin. Umorder kami ng frappes at cake slices pati na rin dalawang klase ng pasta. Masaya naman kaming nagke-kwentuhan nang may lumapit sa akin na lalaking naka-full black outfit at may suot na facemask. Inabutan niya ako ng tatlong pulang rosas na nakalagay sa box. Mukhang mamahalin ang box at may kasama pang maliit na teddy bear sa loob na nakakapit sa bulaklak. May singsing din na maliit na siyang umipit sa tangkay ng bulaklak. Napasinghap kami dahil mukhang mamahalin ang singsing na ito. "Hala kuya wala akong ino-order na ganyan!" tanggi ko sa nag-deliver ngunit ang sabi niya ay may nagpaabot lamang nito sa kanya na lalaking matangkad at mestiso at itinuro ako mismo. Napakunot ang noo ko at napakamot na lang sa ulo, nag-aalangan kung tatanggapin ito. Pero sa huli ay nanaig pa din ang pagiging curious ko kaya naman tinanggap ko na, "Sige kuya salamat." "OMG! Ang haba ng hair! Mukhang may secret admirer ka bHie!" tili ni Suzy at kinikilig-kilig pa habang nakikisipat sa bulaklak, nag-apiran pa sila ni Celeste at inuusisa kung kanino nanggaling ito. May maliit na envelope na kulay rosas, binuksan ko ito at tama nga at may note. 'I hope you enjoy this day Baby Bear... I'm just here waiting for you... See you later... - I' "I?" sabay sabay naming sigaw na tatlo, napatakip din kami ng bibig dahil napalakas ang sigaw namin. Sino naman si I? Wala naman akong kakilala na nagsisimula sa 'I' ang pangalan maliban kay Inggo na anak ng isang trabahador sa taniman. Pero malabong sa kanya ito galing dahil hindi naman magaling mag-english ang bangkay na iyon na kulang na lang ng isang pirma ng uod ay maari na itong isama sa music video ng Thriller. "Naks! Mukhang may secret admirer ang Jackie namin ah! Sino yan? Baby Bear pang nalalaman! Kwento ka naman! Kaya siguro may paglibre ka ngayon ano? Umamin ka! Ipinagpalit mo ba agad si Macho Gwapito?" taas-baba ang kilay ni Celeste habang ineenteroga ako. "Ano bang itsura ng Macho Gwapito na yan Set? Can I see him too? Kung ayaw mo sa kanya then I'll just take him!" parang sinisilihan ang pwet ni Suzy habang pumapalakpak sa pagkakaupo, sinamaan ko lang siya ng tingin dahil iniisip ko pa rin kung kanino galing ang bulaklak na ito. "Those red roses represents love, tapos three pieces pa! Mukhang mahal na mahal ka ng nagbigay niyan Amberlee!" tili ni Suzy at may paghampas pa sa braso ko. "Nako Suzy, hindi totoo yang love love na yan! Kabaduyan yan! Ang pag-ibig para lang yan sa mga hibang na naniniwalang may forever kahit wala namang ganon, dito lang ako kina Jackie kinikilig," nakaingos na sabi ni Set. Nagkatinginan na lang kami ni Suzy dahil sanay na kami sa palaging litanya ni Celeste na hindi totoo ang pag-ibig. Bitter ang isang ito sa huling nakarelasyon niya na iniwan siya at pumatol sa kalahi nitong Adan na Adan din ang hanap. Nasaktan siya ng sobra at para daw siyang nainsulto kaya naman parang palaging surang-sura ito kapag usapang relasyon ang pinag-uusapan, pero kahapon habang kausap si Baste ay nagniningning ang mga mata. Pagkatapos ng klase ay nakita kong nakaabang na si Mang Julio sa gate ng school. Nagmamadali naman ang dalawang kaibigan ko umuwi at may mga lakad pa raw sila, hindi pa rin ako binati ng dalawang iyon samantalang nagpapahaging ako kanina at sinabing 16 na ako ngayon, tanging tango lang ang isinagot ng dalawa at bumalik sa kanya-kanyang pinagkakaabalahan. Habang ako ay naiwan pa sandali dahil pinatawag pa ako sa Library at kinausap ng Head Librarian na kukunin niya ako bilang helper at pasasahurin din na ikinagalak ko dahil noong isang buwan pa ako naghihintay na matanggap bilang helper sa Library. Laglag ang balikat na pumasok ako sa sasakyan bitbit ang bulaklak at ipinikit ang mata. Naramdaman ko nanaman ang lungkot. Tumingin ako sa relos ko at nakitang alas-sais na, anim na oras na lang tapos na ang birthday ko pero wala pa rin nakaalala sa akin. Panay ang check ko sa phone ko pero walang tawag o text man lang kahit sino. Nag-check ako ng f*******: account ko pero wala rin. Naiiyak na talaga ako. Binuksan ni Mang Julio ang radyo sa sasakyan at tumugtog ang kantang 'Alone' ni Celine Dion. Tinignan ko ng masama si Mang Julio na mukhang hindi napapansin ang matatalim kong titig sa kanya. Lalo lang ipinaparamdam ng kantang ito na mag-isa lang ako ngayon. Di ko na napigilan at naluha na ako. Mabilis kong pinahid dahil baka mapansin ni Mang Julio pero hindi nagpaawat ang lintek na mga luha ko na akala mo kasama sa palaro na nag-unahan pa sa pagtulo. Mga papansin! Pagdating sa mansyon ay tumigil na ang pagluha ko. Ngunit nagtaka ako nang makitang patay ang ilaw ng buong kabahayan. "Mang Julio, bakit ang dilim? Naputulan ba tayo ng kuryente?" Tumawa si Mang Julio na parang sinasabing, 'Ayos ka lang Jack? Sa yaman ng mga Adler kaya nilang bilhin ang Meralco para hindi mawalan ng ilaw ang mansyon' "Baka nagbrown out lang," sagot nito at lumabas na ng sasakyan. Inipon ko pa ang gamit ko bago lumabas ngunit maagap si Mang Julio at ipinagbukas na ako ng pinto na ikinagulat ko. Nakalahad ang kamay niya at nakangiti sabay sabing, "Sana maging masaya ka ngayon Jackie..." Kinabahan ako, parang ganito yung horror movie na napanood ko. Napalingon akong muli sa mansyon. Shuta baka totoong may multo sa mansyon at isang doppelganger itong Mang Julio na kaharap ko! Baka kapag hinawakan ko ang kamay niya ay madala ako sa kakaibang mundo! Never nawalan ng kuryente ang mansyon. As in NEVER! Langya kailangan kong makatakas mula sa mga engkanto! Bubuksan ko na sana ang kabilang pinto nang hawakan ni Mang Julio ang balikat ko at muli ay ngumiti, "Ano ka ba Jacklyn binuksan ko na nga itong pinto eh diyan ka naman lalabas sa kabila. Halina at baka pagod ka na dumidilim na rin tara na," muli ay inilahad nito ang kamay. Napalunok ako at pinagpapawisan na ako ng malapot. Abot abot na ang kaba ko, mukhang wala na akong kawala! Hinawakan ko ang kamay ni Mang Julio habang nakapikit, inaasahan kong nasa kaharian na ako ng engkanto pagmulat ko pero andun pa rin kami sa harap ng mansyon na madilim. "Nasaan po sina Aling Tetay? Bakit ang tahimik? Nakakatakot baka biglang may aswang na lumabas mula sa loob," kinakabahan pa ring wika ko na ikinatawa lang ni Mang Julio. "Nandiyan lang yan sila, baka nasa garden lang ang mga iyon at nagpapalamig." Siya na rin ang nagbukas ng pinto, lumakad pa kami hanggang sa makarating kami sa malawak na garden ng mansyon. Medyo maliwanag sa parte na ito dahil na rin sa liwanag ng buwan, at doon ay nakita ko ang mga talulot ng pulang rosas na nakakalat sa paligid. Anong meron at parang lahat ng tanim sa garden ay mukhang winarshak! Nako! Kagagawan ng mga engkanto ito! "Mang Julio-" tawag ko kay Mang Julio pero muntik na kong atakihin sa puso nang biglang may sumabog at nagsigawan kasabay ng biglang pagliwanag ng paligid. 'Oh Diyos ko! Huwag niyo po akong ipamigay sa engkanto! Kawawa naman po ang pamilyang mai-' "SURPRISE! HAPPY BIRTHDAY JACKLYN!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD