CHAPTER 7 ALONE

2442 Words
JULY 20** Ilang araw na lang... Bawat araw na kasama ko si Baste ay nahuhulog lang nang nahuhulog ang loob ko. Naiinis ako dahil sa ginagawa niyang ito parang mahihirapan lang ako kapag umalis na siya. Sinanay niya akong nasa malapit siya. Sinanay niya akong palagi siyang nandiyan lang at nakabantay. Sinanay niya kong mahalin siya ng musmos na puso ko. Ngayon nga ay ihahatid niya akong muli papasok sa eskwela, pinatugtog niya ang kanta ni Wiz Khalifa na See You Again. Paborito niyang patugtugin to, tapos titingin sakin, pinaparamdam na niya ang nalalapit na pamamaalam niya. "Patayin mo na nga yan Baste araw-araw mo na lang yan pinatutugtog!" nayayamot kong puna sa kanya habang siya ay nakangiti lang. "LSS ako sa kanta Jackie wag ka ngang magulo diyan. Sabayan mo na lang ako dali!" Hindi ko siya sinabayan at tumingin lang ako sa labas ng bintana. Pinipigilan ko ang sarili ko na mapaluha kaya tinakpan ko ang dalawang tenga ko. "Oh napapangitan ka ba sa boses ko?" Hindi ko na lang siya sinagot pero ngumisi ako sa kanya. "Oo bakit? Sakit sa tenga ng boses mo parang tinapay na naipit!" sabay hagalpak ko ng tawa. Nakita ko ang pag-asim ng mukha niya sabay patay sa radyo ng sasakyan. Niloloko ko lang naman siya dahil kung tutuusin ay maganda ang boses niya, miyembro pa nga yan ng banda sa St. Baltimore eh! Aawayin niya sana ako nang makita ko ang kaklase kong si Celeste na mabilis kong nakapalagayan ng loob kahit na nga ba may sinasabi din siya sa buhay. Noong una ay napasimangot siya dahil mali ang bigkas ko sa pangalan niya, imbes kasi na (Si-lest) ay binaggit ko ito ng (Se-les-te), pero mabilis niya akong napatawad dahil in-offeran ko siya ng Lindt na chocolate na bigay pa sakin ni Atasha noong umuwi sila at nakatambak lang ngayon sa ref namin. "Set!" pagtawag ko sa palayaw niya habang nakabukas na bintana ng sasakyan. Pagtigil sa tapat ng school ay bumaba ako agad. "Uyy Jack!" sigaw din niya sabay kaway sa akin. "Sige na Baste salamat ng marami sa paghatid! Ingat ka pabalik!" pero imbes na umalis ay bumaba ng sasakyan si Baste at hinintay din na makalapit si Celeste. "Uyyy hinatid ka nanaman ng boyfriend mo ah! Hi! I'm Celeste! Set for short," inabot ni Set ang kamay niya kay Baste na atubiling tinanggap ang kamay ng kaibigan ko. "Hello Set pwede ka bang makausap sandali?" walang paligoy-ligoy na tanong niya kay Celeste. "Hoy Baste ano yang sasabihin mo kay Set?" pinanlakihan ko siya ng mata. "May itatanong lang naman ako sa kanya, kaya mauna ka na Jackie dali..." pagtataboy sakin ni Baste. Ayokong umalis dahil baka kung ano pa ang sabihin o itanong ni Baste kay Celeste. Kilala ko ang kaibigan ko na ito at baka mabuko lang ako. "Huwag kang mag-alala Jack hindi ko aagawin sayo tong si Mister Gwapito kaya choo! Alis na!" pagsali ni Celeste sa pagtaboy sa akin. Tinignan ko silang dalawa ng masama bago ako tumalikod at inabangan si Set sa tabi ni kuya guard na nagche-check ng mga bag at ID ng mga estudyante. Nang balikan ko ng tingin sina Set at Baste ay seryoso silang nag-uusap. 'Ano bang pinag-uusapan nila at masyado yata silang seryoso?' Habang nag-uusap ay nagtatalon bigla si Celeste at pumapalakpak pa, aba mukhang maganda pinag-uusapan ng dalawang ito ha. Itatanong ko kay Set mamaya kung ano yun at parang masaya siya. Ayoko mang makaramdam ng paninibugho pero naramdaman ko yun nang makitang nagkakatawanan na sila. Bumuntong hininga lang ako habang naghihintay. "JACKLYN! Di mo naman sinabi na may pagka-romantic pala yang boyfriend mo!" parang nangangarap pa ito habang magkasalikop ang kamay at kinikilig. Sumama lalo ang timpla ko, "Sabi ko nga sayo hindi ko siya boyfriend. Ano ba yung pinag-usapan niyo at parang ang saya mo?" "A-ano kasi..." bigla siyang nagkamot ng ulo at naging mailap ang mga mata niya. "Nako male-late na pala tayo Jack tara na!" sabi niya sabay takbo papunta sa classroom namin. Ang lokaret hindi sinagot ang tanong ko, halatang umiiwas na sagutin ako. "Hoy Set sandali! Hinintay kita tapos iiwan mo din ako. Magkwento ka muna!" binelatan lamang ako ng isip-batang kaibigan ko at pumasok na sa classroom namin. Maghapon kong kinulit si Celeste pero hindi talaga siya nagkwento. Ang sabi niya lang ay nakakatuwang kausap si Baste at parang may mangyayaring maganda. Nakanganga lang ako habang para siyang nangangarap noong nasa canteen kami habang break. Nang mag-uwian ay sinundo ako ulit ni Baste pero hindi ko siya pinapansin. "Oh Diyaki bakit nakasambakol nanaman yang mukha mo?" kunot noong tanong ng kamote na ngayon ay nagmamaneho na. Hindi ako sumagot at inirapan lang siya. "Kita mo tong babaeng 'to tinatanong kita kung bakit, tapos iirapan mo lang ako," ginagap niya ang kamay ko. "C'mon Jackie tell me what your problem is. May umaaway ba sa'yo sa school? Oh baka naman-" Pinalis ko ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko at pinanlakihan siya ng mata, "Wala! Wag mo kong kausapin Baste mainit ang ulo ko!" "Ano nga-" "Wag ka nang magtanong pwede? Umuwi na lang tayo masakit ang ulo ko," wika ko at isinandal ang ulo ko sa headrest bago pumikit. Nagulat ako nang hawakan niya ang noo ko, napaatras ako sa upuan ko dahil sa init na dala ng haplos niya. Tinabig ko ang kamay niya pero wala lang iyon sa kanya at nagpatuloy sa pagmamaneho. "Ang sungit ng Jackie ko ah!" nakangisi niyang tugon pero mabilis akong dumilat at bumaling sa kanya. "Hoy anong Jackie mo? Walang sayo Baste! Huwag mo kong kausapin." "Hindi talaga kita maintindihan, para kang abstract art," muli ay turan niya at ngumisi. Hinampas ko lang siya sa braso pero nagpatuloy pa rin kami sa biyahe. Buti na lang at tumahimik na siya. Pagdating sa mansiyon ay sinalubong agad ako nina Tita Penny at Lola. "Oh andyan na pala sina Jackie at Inno eh. Teka at maghahanda ako ng meryenda ng mga batang ito," paalam ni Lola na nakangiting nakatingin sakin, nagmano lang ako sa kanya pati kay Tita Penny at dumiretso nako sa likod bahay para mag-emote sa kwarto ko. Kinakain ng paninibugho ang isip at puso ko, kailangan kong layuan ang dahilan ng pagkainis ko sa mundo. "Teka Jackie magmeryenda muna kayo. Nagluto ng Palitaw ang Lola mo..." tawag sakin ni Tita Penny habang nakangiti, ang ganda talaga niya kapang ngumingiti. Nagmumukha siyang bata at hindi halatang 42 years old na siya. Para lang siyang si Nanay kapag titignan. Ngumiti ako ng tipid bago sumagot, "Papahinga lang po ako sandali Tita medyo masakit po ang ulo ko..." may paghawak pako sa noo ko para kunwari ay masakit talaga ito, kahit ang totoo ay nabubwiset lang ako sa anak nitong maharot. Nakakaunawang tumango si Tita Penny at lagpasan ang tingin sakin, "Pahahatiran kita ng gamot sa bahay niyo. Sige at magpahinga ka muna." Tumango lang ako kay Tita at lumakad na patungo sa bahay namin sa likod. Nawala talaga ako sa mood kaninang umaga. Hindi maalis sa isip ko ang mga nakangiting mukha nina Celeste at Baste. 'Nagseselos ka no?' Aba't! Pati ang isip ko yata trip na asarin ako ngayon. Paanong di ako magagalit at maaaburido, birthday ko na bukas pero wala sina Lena at si Nanay. Ang Lolo at Lola sabi ay aalis mamayang hapon dahil may aayusin sa Cabanatuan. "Ngayon lang ako magbi-birthday ng mag-isa..." bulong ko habang papasok sa loob ng bahay. "Jackie!" Di ko na kailangan lumingon dahil kilala ko na ang sumisigaw ng pangalan ko. "Oh bakit?" masungit kong tugon habang matalim ang tingin na iginawad ko sa kanya. Halos magdikit na ang makakapal niyang kilay dahil sa nakuhang rekasyon mula sa akin, "Galit ka pa din? Ano bang ikinagagalit mo? Sabihin mo sakin para naman kung may kasalanan ako ay maitama ko o kung sino man yang nagpapakulo ng dugo mo ay ipagtatanggol kita!" palo pa nito sa dibdib niya na akala mo talaga kayang-kaya niyang ipagtanggol ako. Well, kaya naman talaga niya dahil sa katawan pa lang, taob na ang ilang mga kalalakihan dito. Ikaw ba naman ang batak sa trabaho sa hacienda at rancho ay hindi huhubog ng maganda ang katawan? Halos maglaway ang mga kadalagahan dito sa amin lalo na ang mga anak ng mga trabahador na lagi na ay may dala dalang kung anu-anong pagkain o bulaklak para kay Baste. Animo isa siyang anito na inaalayan at sinasamba ng mga loka-lokang babae dito. Napapataas na lang ang kilay ko kapag nakikitang nagkukumpulan sila habang hinihintay na magpakita kahit dulo lang ng buhok ng maharot na Baste na yan at magsisigawan na sila habang iniaalok ang mga dala nila. Ang malanding lalake naman todo ngiti lang, minsan nga ay nakita kong nais na maghubad ng ibang babae makuha lang ang atensyon niya. Madalas naming pagtawanan ni Lena ang mga babaeng iyon dahil sa huli ay pinapaalis din sila ni Aling Tetay at ni Nanay dahil nakakadistorbo sa daan. Isa si Baste sa mga nag-aasikaso ng rancho nina Mam Beatrix. Siya din ang namamahala ng taniman katulong ng mga magulang niya dahil busy na sina Sir Arkin at Sir Adam. "Wala akong problema, PMS lang ito kaya lubayan mo ko Baste dahil naaalibadbaran ako sa'yo..." iritable kong tugon. "Daig mo pa naglilihi Jackie ah!" ang walanghiya humawak pa sa tiyan kong impis. Aba't! Anong akala sakin ng lalaking ito buntis?! Tinabig ko ang kamay niya at ambang sasampalin siya nang hawakan niya ang pala pulsuhan ko. "Oh kita mo mananakit ka pa. Tell me Jackie, what's your problem? Mula nang ihatid kita at makausap ko si Celeste naging bugnutin ka. Don't tell me, nagseselos ka sa kaibigan mo?" himig pangangantyaw niya na sinabayan ng pagtaas at baba ng makakapal niyang kilay. "Hoy Sevazte Innocencio over my dead body! Walang dahilan para magselos ako sainyo ni Celeste! At lalong higit na wala akong pakialam kung kanino ka makipaglandian!" sigaw ko sa kanya sabay tulak sa kanya na sinagot niya lang ng tawa at pag-iling. Tinalikuran ko na siya at sinaraduhan ng pinto pero mas mabilis siya sa pag-agap ng sara. "Ano ba Baste paano kung naipit ang kamay mo?" "Oh ngayon nag-aalala ka, sige hindi na kita kukulitin eto may ibibigay ako sa'yo," may inilabas siya mula sa likod niya at iniabot sa akin, isang banig ng gamot para sa sakit ng ulo at isang paper bag na maliit. "Ano 'to?" "Etong isa gamot, sabi kasi ni Mamay masama pakiramdam mo. Yang isa, advance gift ko para sa birthday mo. Aalis kasi ako bukas at aasikasuhin ang papeles para sa bagong school ko. Si Mang Julio ang maghahatid at susundo muna sa'yo bukas..." Parang sumama lalo ang loob ko kaya umasim ang mukha ko. Lahat sila wala bukas, mukhang itutulog ko lang ang birthday ko. Inabot ko ang paper bag pero hindi ko sinilip ang laman, "Ah ganun ba, sige salamat. Kung wala ka nang ibang sasabihin umalis ka na," akmang isasarado ko na ang pinto nang pigilan niya muli ito. "Ano nanaman ba?" "Advance Happy Birthday Jacklyn!" nakangiti niyang sigaw. "Sobrang advance mo naman bukas pa birthday ko," naka-ingos kong sagot. "Gusto kong mauna sa lahat siyempre," unti unti siyang lumapit sa'kin. Ikinulong niya ako sa yakap niya at parang lahat ng inis at isipin ko ngayong araw ay natunaw. Marahan ko siyang itinulak pero hindi siy kumilos. "Uy Baste ano ba bakit may yakap?" itinulak ko siyang muli pero mas lalo lang humigpit ang yakap niya sakin. "Stay still Jackie, give me five minutes. I want to feel you this near. I want to savor every moment with you. We can't tell m-maybe this will be our l-last..." napamaang ako sa huling sinabi niya. "Huy ano bang last pinagsasabi mo diyan Baste?" imbes na sumagot ay naramdaman ko ang pag-alog ng mga balikat niya. 'Ano ba 'to? Tumatawa o umiiyak? Pinagtitripan yata ako ng isang 'to' Narinig ko ang marahan niyang pagsinghot at nakumpirmang umiiyak siya. Naitulak ko siya at hinawakan ang magkabilang pisngi, tinititigan ko siya sa mata pero umiiwas siya. "Bakit ka umiiyak Baste? Atsaka anong last ka diyan, a-aalis ka na d-din ba?" di ko napigilang pumiyok ang boses ko. Ramdam ko ang pag-iinit ng gilid ng mga mata ko. Umalis na sina Nanay at Lena, alam kong aalis din si Baste pero kung umiyak siya parang malayo pa sa Maynila ang pupuntahan niya. Bakit parang, matagal siyang mawawala? Tumikhim siya kaya naputol ang pag-iisip ko. "Ah pasensya ka na Diyaki naging emotero ako bigla, basta sana mag enjoy ka sa birthday mo! Wala man ako, pero ang puso ko iiwan ko sa'yo, o kung kaya mo akong hintayin babalik din naman agad ako," sabi niya sabay kindat at umalis na, naiwan naman akong nakanganga at litong-lito. Inubos ko na lang ang maghapon ko sa pag-gawa ng assignments at pagkausap kay Nanay sa Mesmes. Ang laki ng pinuti ni Nanay sa Germany, niloloko nga siya ni Lola Carms na baka makahanap pa ng mapapangasawa dahil bumata ang itsura niya at parang hindi nagka-anak. Ginagawa daw siyang barbie nina Atasha at Mam Beatrix. Sabi ng mga taga rito ay kamukha ni Nanay si Daisy Reyes, artista daw ito noong panahon nila. Kala ko nga nung una kamag-anak namin yung sinasabi nila, pero nung nag research ako tungkol sa kanya ay napanganga ako. Niloko ko din siya na gusto kong magkaroon na ng kapatid kaya dapat ay maghanap na siya ng mapapangasawa na German. Tinawanan niya lang ako at kung nandito lang siguro siya ay binatukan niya pa ako. Tumawag din si Lena at kinakamusta ako, busy siya sa pag-aaral at pag-aalaga ng kambal kaya di daw siya gaanong nakakatawag sa akin. Tinanong ko kung may manliligaw na ba siya doon pero sinimangutan niya lang ako. Di pa daw siya nakaka move-on sa Valentin na iyon. Nang maalala ang mangingisdang yon ay naalala kong bukas ay ako ang pupunta sa pampang para kumuha ng isda, sinabi ko kay Lena na susuntukin ko ang lalaki na iyon pero nagkibit-balikat lang ito. Di nakaligtas sakin ang paglungkot ng mga mata niya. Pakiramdam ko ay may ibang dahilan kung bakit siya nagkumahog na makaalis dito sa mansyon. Bago siya umalis noon ay nakita ko pang pumunta si Valentin dito at hinahanap siya, pinagsinungaling pa ni Yelena si Aling Tetay na wala na siya at naglayas daw. Pero nung nagkwento si Aling Tetay sa kanya tungkol sa paghihintay ni Valentin sa labas ay naiyak naman siya, isa ring lokaret. Magtatago tapos iiyak, mukhang may pinagdaanan ang pinsan ko na hindi ko alam. Humanda sa'kin ang mangingisdang 'yon at pakakainin ko ng maraming mani! Tutal ay mahilig siyang bumanat ng may mani!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD