“MR. ARVIN DELA CRUZ, INAARESTO KA NAMIN SA SALANG PAGPATAY KAY MISS ELIZE MORALES,” sabi ni Chief Saavedra matapos malakas na balyahin ang pinto ng silid nito. Kasama nito ang mga kapulisan ng bayan ng Morong. Sa tulong ng mga ito ay nahuli nila na walang kalaban-laban ang lalaki na kasabwat pala ni Joseph Lee na kilala sa pangalan na Sebastian Lim. Nang malaman ni Lenard ang katotohanan mula sa mga inupahang investigators ay doon niya rin nadiskubre na ang mga kinilalang magulang n Joseph Lee ay naging empleyado ng kanilang kompanya. Matalik na magkaibigan si Joseph at Arvin at pinlano ang aksidenteng nangyari upang sana ay mailipat na ni Arvin ang pamamahala kay Joseph ngunit sa di-inaasahang pangyayari ay pumalit sa pwesto ng pagiging CEO at Presidente si Lenard na kaisa-isang anak n

