ZENY’S POV KITANG – KITA NIYA KUNG GAANO KASAYA SI LENARD HABANG TINUTULUNGAN SI NANAY TESSIE SA PAGLULUTO. Katatapos lang niyang balatan ang mga hinog na saging at iba pang root crops na tanim ng dalawang matanda sa bakuran. Si Tatay Berto naman ang nagkayod ng niyog na gagamiting panggata sa lulutuing bilu-bilo. “Zeny, alam ko ang mga ganyang tinginan,” si Tatay Berto. Malalim siyang napasinghap at dahan-dahan na napabuga ng hangin. “Ano po iyon ‘Tay?” “Ganyan din ang Nanay Tessie mo sa akin noon.” Umupo ito sa bakanteng upuan malapit sa kanya. “Iyan ang tunay na pag-ibig na hindi basta-basta makikita kung kaninuman.” Kinindatan siya ng matanda. “Tay, may tanong lang po ako.” “Ano iyon anak?” “Kailan ninyo po naramdaman na si Nanay Tessie na ang siyang tunay ninyong mahal?” “Alam

