LENARD’S POV “SIR LENARD, HUWAG NA HUWAG PO KAYO LALABAS NG INYONG OPISINA. NASA LABAS LANG PO KAMI,” sabi ng isang lalaking matangkad na halatang may lahing dayuhan. Agad itong pumasok sa kanyang opisina pagkalabas na pagkalabas ni Jaxon. “Tawagin ninyo lamang po kami kung may kailangan kayo.” “Salamat.Pero ayos lang naman ako rito,” kalmado niyang sagot. “Sige po Sir.” “May gusto sana akong itanong,” aniya. Ang akmang paglabas ng lalaki ay hindi naituloy. “Ano po iyon Sir?” “Sa tantiya mo, ilan ang nasa paligid?” “Dalawa po ang namataan naman ngunit mabilis kumilos. May ilan na po akong kasamahan ang nasa security room upang ma-monitor ang mga kahina-hinalang tao.”tumango-tango siya. “Talaga bang likas sa inyo ang malakas ang pakiramdam sa mga kaaway? I mean ramdam ninyo ang awra

