Maagang nagising si Mia para magluto ng kanilang agahan ng mapansin niya na wala sa tabi niya si Marco. Agad siyang lumabas para hanapin ito at napansin niya na parang aligaga ito. “Marco, may hinahanap ka ba? Ang aga pa ah.” sabi ni Mia. Hindi sumagot si Marco at tuloy tuloy lang sa pag labas masok sa kanilang kwarto. Pumunta na lang si Mia sa kusina upang umpisahan na magluto ng kanilang makakain. Halos patapos nang magluto si Mia ngunit hindi pa rin tapos si Marco sa ginagawa niya. “Marco, ano ba hinahanap mo para matulungan kit– bakit ka nag iimpake?” gulat na tanong ni Mia. Napansin niyang nakaimpake ang halos lahat ng damit ni Marco. Agad namang natauhan si Marco at lumapit kay Mia. “Gising ka na pala? Saglit lang magluluto lang ako ng almusal.” sabi ni Marco. Maglalakad na san

