"Dane?" gulat na sabi ni Mia. Agad niyang kinuha si Miro kay Dane at mabilis na umalis. Malalaking hakbang ang ginawa ni Mia para makaalis kaagad. "Mia!" sigaw sa malayo ni Dane habang nakasunod ito kay Mia. Hanggang sa nakarating na si Mia sa bahay nila at agad na sinarado ang pinto. Habol hininga naman na tumigil si Dane sa pintuan. "Mia? Listen, hindi ako nandito para manggulo or what, gusto ko lang makipag usap. Please?" pagmamakaawa ni Dane. "About saan?" kalmadong sabi ni Mia sa kabilang side ng pintuan. Napabuntong hininga si Dane bago magsalita. "About sa atin. After kong sabihin ito, promise hindi mo na ako makikita. So please? Open the door." mahinahong sabi ni Dane. Pagkatapos marinig ni Mia ang mga sinabi ni Dane, agad niya din na binuksan ang pinto. Napabuntong-hinin

