Wala sa sariling bumalik si Mia kay Cassey. Hindi niya napansin na nandoon na rin si Dane na kanina lang kinakausap ang doctor ni Cassey. Bigla na lang natumba si Mia at hindi na napigilang humagulgol. Nakita ni Dane at Cassey si Mia agad agad nila ito nilapitan. "Mia! Anong nangyari sayo? May masakit ba sayo?" natataranta na sabi ni Cassey habang sinusuri ang katawan ni Mia habang si Dane ay hawak hawak si Miro at pinapatahan si Mia. Hindi sumagot si Mia kaya dinala na lang ni Dane at Cassey sa upuan dahil marami ng mga pasyente ay mga nurses ang tumitingin sa kanila. Nang mapaupo nila si Mia, tumigil na ito sa iyak ngunit bakas pa rin ang galit sa mga mata nito. Nagkatinginan lang si Dane at Cassey na hindi alam ang gagawin. Binalik din agad nila ang tingin kay Mia nung makita nila n

