Kabanata 67 Walang lumabas sa bibig ni Cassey. Natatakot siya na kapag nalaman ni Mia na si Dane ang ama ng dinadala niya, itakwil siya nito bilang kaibigan. "Kung hindi ka pa ready na sabihin sa akin kung sino ang ama niyan, naiintindihan ko." sabi ni Mia habang hinahaplos ang pisngi ni Cassey. Hindi napigilan ni Cassey na maiyak ulit. Dahil sa tagal nilang magkaibigan, ni kailanman hindi siya nito pinakitaan ng kasamaan. Pinatahan ulit ito ni Mia at sabay na silang bumaba ni Cassey. Pagkarating sa baba si Dane na lang ang naabutan nila na naglilinis ng lamesa. "Si Miro?" tanong ni Mia. "Hindi na namin kayo nahintay, kumain na kami ni Miro. Nagpapahinga na siya sa kwarto ninyong dalawa." sabi ni Dane sa sabay sulyap kay Cassey na nakayuko lamang. "Ganon ba? Sige kakain na kami,

