Two days had passed at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mabuksan ang mga social media sites ko. Pinagbawalan ako ni Cassey at ng mga magulang ko. Maski ang ate Kate. Ayoko man ay wala akong magagawa. Ilang araw na rin akong nabuburyo at walang magawa dito sa lugar na ito. Bawal akong magpakalayo at maglabas labas. Mabuti na nga lang at ito ay resort nila Cassey kaya kahit papaano ay alam ko na nasa ligtas na vicinity lang ako. At kung may mangyari man na hindi maganda ay agad akong matutulungan. Hindi rin mawala sa akin ang hindi mag-alala dahil dito sa lugar na ‘to nanggaling ang gulo. Well, I mean it is our fault naman to made those things publicly kaya naman kumalat ang mga iyon. Also for my security, Cassey moved me in a rest house dito pa rin sa resort nila. Itong rest house na

