Pinanlakihan ko ng mata si Cassey dahil takang taka talaga ako bakit andito si Miro at ano ang ginagawa nito dito. Ngayon ay nasa sala na kami at nakaupo sa sofa habang si Miro ay busying busy sa paglalaro sa lapag ng mga laruang dala niya. “Care to explain me why this young man is here huh?” mahina ngunit may diin kong tanong kay Cassey. Nakita ko na umangat ang tingin ni Miro sa amin kaya naman tinignan ko siya at nginitian. “Go baby, just play with your toys lang…” ani ko kay Miro. Ngumiti ang bata at ipinagpatuloy ang nilalaro niyang mga laruan. Nung masiguro ko na hindi na nakatingin sa amin si Miro ay ibinalik ko ang tingin ko kay Cassey ngayon na sumisimsim ng kaniyang bagong timpla na kape. “Hoy! Wag mo kong mangiti-ngitian diyan ha, tinatanong kita Cas.” medyo iritable kong wi

