Days passed at mas lalo akong napapamahal sa bata. Ganoon pa rin ang rules namin ni Cassey. Bawal pa rin akong humawak ng phone or any gadget unless sasabihin ng magulang ko at ni Cassey. So far na-eenjoy ko naman ang buhay dito sa probinsya. Para nga akong nasa bagong mundo eh. Siguro maganda na rin ito para malayo ako sa gulo ng ibang tao. Siguro nga na tama itong ginawa ko para rin maresolba muna ni Marco ang problema niya sa pamilya niya at maayos niya ang sarili niya. Pero hindi ko rin maiwasan na hindi mag-alala kay Dane. Sa totoo lang gusto ko siyang makausap. At kung mabibigyan man ako ng pagkakataon na makausap siya ay gagawin ko. Alas otso ng umaga dito ngayon at maaga akong nagising para sana pumunta sana magluto at pumunta sa kabilang pampang para sana mag-abang ng mga bang

