Mia
Ilang araw ng hindi nagpapakita si James, di ko alam kung ano nang nangyari sa kanya, o galit ba sya.
Ganun ganun na lang ba yun, tanong ko sa isip....kung kailan nahuhulog na ako sa kanya saka ganito...
Pakiramdam ko napagtripan lang ako,,, masakit, di ko alam kung ano ang iisipin..
Sabagay wala naman akong magagawa kung ayaw na nya sa akin, baka nagsawa sa kaartehan ko.
Pero bakit ang sakit...para akong iniwan sa ere na hindi ko maintindihan..
Lumipas ang isang linggo, wala pa ding James na na nagpaparamdam.
Baka talagang wala na, alo ko sa sarili ko..
Well, life must go on, di puede na magmukmok lang ako, tuloy lang ang buhay para sa pangarap, kaya ko to! Pampalakas loob ko.
James
Isang linggo na ang nakalipas, hindi ko alam kung paano ko haharapin si Mia, wala din akong ideya kung nabalitaan nya ba ang nangayari sa amin ng babae na yun...Psh, muntik na kong mapikot dun ah, parang ayoko na tuloy maglasing..
Buti na lang sigurado ako sa sarili ko na hindi ko nagalaw ang babae na yun..
Sa ngayon pinaplano ko pa kung paano ko haharap kay Mia. Miss ko na sya, sana mapatawad nya ko, galit ako sa sarili ko kasi nag uumpisa pa lang nya akong tanggapin, may ganitong nangyari naman..hayss di ko na alam gagawin ko, bahala na.
Mia
Uhm, Hi?.. yun lang ang nasabi ko dahil sa gulat ng makita ko sa harap ko si James.
Ahmm, Mia hatid na kita..alok nya.
No, wag na..baka nakakaabala pa ako, sagot ko.
Please? I insist...gusto din sana kitang makausap...pakiusap ni James.
O-ok, kinakabahan kong sagot.
Iginiya nya ako hanggang sa parking lot, at inalalayan hanggang pagpasok sa sasakyan nya.
Sa may park na dati na naming timambayan kami humantong..bumili muna sya ng maiinom bago kami naupo sa isa sa mga bench na nandito.
Matagal kaming walang kibuan at paminsan-minsan nililingon ko sya, ang lalim ng iniisip nya, pakiramdam ko may malaki syang problema, kaya hindi na din ako nakatiis at ako na ang unang kumibo.
Ahmmm, di ko mahanap ang boses ko sheeeeet!
Ma-may problema ba? umpisa ko.
Bahagya ko pa syang binunggo dahil parang wala sya sa sarili nya.
Nagulat sya sabay lingon...ows, sorry may naalala lang ako..sabi ni James.
Akala ko ba mag uusap tayo, mukha naman wala kang balak magsalita, pabiro kong sabi.
Tiningnan nya ako ng malungkot, Sorry ha?
Sorry saan? painosente kong tanong.
May kasalanan ako sayo, di kita napuntahan last week kahit nangako ako sayo na magkikita tayo, at sa hindi ko pagpapakita sayo ng halos two weeks...malungkot nya sabi.
Yun ba? Sus wala yun..sagot ko.
Hindi ka galit? tanong nya...
Bakit naman ako magagalit, in the first place, wala naman akong K ano kaba? mahaba kong litanya.
Huh? you're unbelievable! gulat nyang sabi.
Huh? panggagaya ko sa kanya, bakit naman?
Hangga't maari gusto kong maging light ang usapan namin, kaya dinadaan ko sa pasimpleng biro..tama na yung isang linggo akong nag eemote dahil sa pagihing missing in action nya.