Mia And James
Mia
Kailangan ko na talaga ng iba pang mapagkakakitaan, di na din kumakasya ang sahod ko dito, hays saan pa kaya puedeng mag apply? tanong ko sa isip ko.
At habang pauwi at nagmumuni-muni, may nasilip akong nakapost sa salamin ng isang convenience store, hmmmm pwede na to, babalik ako bukas.
Bahay-trabaho, yan lang ang daily routine ko, boring man sa iba, masaya na ko sa ganito, ayoko ng sakit ng ulo, kaya hindi ako tumatanggap ng kahit na sinong nagpapahiwatig na gustong manligaw.
Pangarap ko kasing maiahon ng kaunti sa hirap ang pamilya ko, yan lang ang simpleng pangarap ko. At gusto kong matupad kaya todo kayod si ateng nyo haha!
Kinabukasan, di ko nakalimutan ang misyon ko ng araw na to, bago umuwi galing sa unang kong trabaho, dumaan muna ako sa convinience store, at siguro ay araw ko talaga ngayon, tanggap agad ako..ang saya lang, pinagrereport na agad ako bukas na bukas din.
Hindi naman ganun kahirap ang trabaho, at halos katulad lang din ng una kong trabaho, kaya walang naging problema sa akin, pati na din sa schedule.
Mabilis na dumaan ang araw, halos sanay na sanay na ang katawan ko sa araw araw kong routine, nakapalagayang loob ko din ang mga katrabaho ko, dahil ako yung taong madaling humanap ng kaibigan, madaling makibagay kumbaga.
At pati mga regular customer namin parang mga kaibigan na din namin, alam na din namin kung ano ang mga kailangan nila,
Miss beautiful, paorder naman ako ng isang cafe mocha, pakidala na din sa table sa labas please.....nagpapacute na wika ni James, isa sa mga kaclose namin na regular customer. Sure sir, would you like to add some sandwich or maybe siomai? tanong ko..
Hmmmm...yan lang, makita lang kita busog na ko, wika ni James sabay kindat.
Hayssss, sa isip ko at iiling-iling akong sumunod sa kanya, na medyo natatawa..
Paglapag ko ng kape ni James, hindi ko napigilan na sulyapan ang kasama nyang babae, simple at maganda..ngumiti pa sya sa akin, at binalik ang mata sa binabasa..
Nginitiin ko din sya pabalik, nagpasalamat ako at tumalikod na, ang bait nya sa isip ko, bagay sila ni Sir James..
Ah Mia, tawag sa akin ni James, kaya naman humarap ako sa kanila at nagtatanong ang ekspresyon ng mukha ko..ahhh wala-wala, sige salamat ngiti sa akin ni James,..ok po sagot ko, pero sa isip ko..problema nun?
Nang bumalik ako sa counter namin, sinalubong ako ng nanunuksong ngiti ni Hannah, kashift ko at naging kaibigan ko na din,..uyyyy sumilay na naman sayo si Sir James hahaha! wika ni Hannah sabay tawa.
Ano na naman yang kalokohang naiisip mo, tanong ko kay Hannah. Ni sa hinagap, di ko naisip na mapapansin ako ni James, dahil bukod sa talaga namang gwapo, alam ko din na nabibilang ito sa mayamang pamilya.
At dun pa lang hindi ko na pinangarap na mapansin nya ako.
Aaminin ko, mailap talaga ako sa mga tao lalo na sa mayayaman, dahil ayokong mahusgahan at mapagsabihang manggagamit. Oo pangarap kong maiahon sa kahirapan ang pamilya ko, pero gusto ko sa paraan na ako ang nag ahon at hindi dumipendo sa ibang tao.
Ayaw na ayaw ko ang matawag akong manggagamit, kaya hanggat maaari umiiwas talaga ako sa mga nakikipagkaibigan sa akin na may mga kaya at nabibilang sa mga kilalang pamilya.
Mas gusto ko ang simple kahit payak na buhay lang.
Di mo ba napapansin, halos araw araw nandito yang si Sir James, at nagkakataon pa na shift natin lagi...pukaw ni Hannah sa pag iisip ko.
Ahhh, yun ba..baka naman sayo sumisilay, balik ko ko sa kanya. Naku ha..natatawang wika ni Hannah, madalas ko kayang makitang pasimple ka nyang tinititigan.
Sus, binigyan mo naman ng kahulugan, advance ka talagang mag isip, biro ko.
Ay bahala ka nga, basta yun ang observation ko, dagdag pa ni Hannah. Nginitian ko na lang sya para matapos na.,saka ko iniwan at inassist yung iba naming customer.
Naging mabilis ang oras sa shift namin, dahil maraming customer kaya hindi na din namin napansin na patapos na oras namin...
Pagdating ng kapalitan namin, agad na kaming nag-ayos para makapag-out.
Naeenjoy ko na talaga tong trabaho ko na to,
Palabas na kami ni Hannah, ng bigla kaming batiin ni James, oh pauwi na kayo? Ah yes Sir, sagot ni Hannah..sige po ha..sabay talikod namin. Sumabay na kayo sa amin, idadaan na lang namin kayo sa uuwian nyo..alok ni James. Ay naku wag na po, sabad ko..makakaabala pa po kami, sanay po kaming magcommute.
Natigilan si James, at kita ang lungkot sa mga mata nya. I insist, wika nya.
Wag na po talaga, sige po ha, sabay hila ko kay Hannah..wag kang lilingon bulong ko pa sa bruha kong kaibigan na ngiting-ngiti ngayon. Alam ko kasi na konti na lang, papayag na syang sumabay kami sa kina James, kaya halos kaladkarin ko sya makaalis lang kami dun.
Hindi ko na din inintindi kung nagmukha akong bastos sa inasal ko, basta ayokong makisakay at makisabay sa kanila.
Kinabukasan maaga akong pumasok sa mall na una kong pinapasukan, dahil may meeting daw kami bago mag open ang mall.
Alam ko naman kung para saan ang meeting na yun, para sa pagpapalit ng oras ng schedule, kaya naman magrerequest din ako ng change shift sa convinience store, magpapalagay ako sa opening. Buti na lang mabait ang boss namin dun, dahil alam nila na doble ang work ko, kaya okay lang na magrequest ako ng schedule twice a month. Ganun di kasi ang palitan ng schedule sa mall na pinapasukan ko. Magaan ang katawan sa trabaho ng araw na yun.
Two weeks naman akong morning shift ngayon sa convinience store, kasundo ko din si Philip ang kabuddy ko sa morning shift, yun nga lang di ko gusto yung mga pahaging nya sa akin, kaya naman madalas nasusungitan ko sya at nananahimik ako, para di na nya ko abalahin.
Pauwi na ako at nagmamadali dahil kailangan kong makapagpahinga kahit kaunti bago pumasok sa mall. Kaya naman para akong hinahabol sa lakad takbo kong ginagawa, Mia dahan-dahan naman, ambilis mo namang maglakad, habol sa akin ni Philip. Sino ba kasi may sabi sayo na sumabay ka sa akin, tapos magrereklamo ka ngayon, pambabara ko sa kanya sabay hinto.
Kasungit naman ng mahal ko, biro ni Philip. Mahalin mo mukha mo, inis na sabi ko. Nang may humintong kotse sa harap namin. Hop in? alok sa akin ni James, pero ang mata ay matiim na nakatingin kay Philip.
Ay Sir James, kayo pala bati ko...naku pasensya na Sir, may dadaanan pa kasi ako sa pinsan ko eh, salamat na lang po nagmamadali ako..at mabilis na tumalilis na ako.
Nang makarating ako ng bahay ay mabilis akong pumasok sa kwarto, nag alarm, dahil iidlip muna ako bago pumasok naman sa mall. Ganito lagi ang routine ko at naiintindihan naman ng magulang ko, pinipilit nga nila ako na bitawan ko na ang isa sa mga trabaho ko, dahil hindi naman daw kami ganun kakapos para patayin ko sarili ko. Sinasagot ko na sila na, masaya ako sa ginagawa ko. Kaya naman hindi na din sila tumutol.
Sa Mall, magaan ang pakiramdam ko habang inaayos ko ang mga nakaline up na announcement. Sa customer service kasi ako nakaassign, dalawa kami dito, at kami na din sa paging section.
Miss, puede bang pakipage yung kasama ko, kanina ko pa kasi hinahanap, di kami magkatagpo, naiwan ko kasi yung cp ko sa bahay kaya di ko din matawagan..pakisabi na lang hihintayin ko sya dito sa customer service. Mahabang paliwanag ng customer na kausap ni Ana, kabuddy ko sa area.
Ok po sir walang problema, pakifill up-an na lang po muna ito, magiliw na tugon ni Ana.
Thank you, sabi naman ng kausap nya. Pamilyar sa akin ang boses, pero di na ko nag abalang humarap dahil busy ako sa pag aayos ng mga papel na kailangan namin,
Mia pahiram naman ng ballpen mo, nawawala yung ballpen ko, pukaw ni Ana sa akin.
Here...sabi ko sabay ikot paharap. Uh, hi sir James, bati ko..pero sya parang gulat na gulat. Nagwowork ka din dito? wala sa loob na tanong ni James. Nangiti ako, obvious ba sir? sabay ngiti ko.
Kilala mo? singit ni Ana, Oo regular customer namin sya sa isa kong work, sagot ko.
Habang si James nagsulat sa papel na pinapifill-up-an sa kanya.
So, what time ang out mo dito? tanong ni James habang inaabot kay Ana yung papel na sinulatan nya.
Kakapasok ko pa lang Sir, out na agad tinatanong mo, papilosopo kong sagot. Nakita kong kumunot ang noo nya.. ay sorry, joke lang sir, sabay peace sign. Dama ko kasing nainis sya sa sagot ko. Hindi na ako kumibo at tumalikod na, pinagpatuloy ko yung ginagawa ko kanina.
Mabilis lumipas ang oras, uwian na. Nag-aabang ako ng jeel pauwi, nang may humintong kotse sa harap ko..hay naku naman, sa isip ko..ang tagal ng jeep.
Kilala ko na kasi kung sino ang may-ari ng kotse na to..binuksan nya ang pinto ng kotse, sakay na, nakangiting sabi ni James. Wag na po Sir, sagot ko. Madami pong jeep na masasakyan dito, makakaabaala pa po ako sa inyo..katwiran ko.
Bigla syang sumimangot, nakakapikon ka na ha, ilang beses mo na kong tinatanggihan, masungit na singhal nya.
This time di ako papayag na tanggihan mo, kahit makakuha pa tayo ng atensyon.
Kinabahan ako bigla, dahil sunod-sunod na busina ng mga sasakyan sa likod ng kotse ni James, nagkacause na din sya ng traffic, tiningnan ko sya, wala talagang balak na patakbuhin ang sasakyan nya, kaya wala akong nagawa kundi sumakay na lang.
Habang daan ay wala kaming kibuan, at dahil inis din ako kaya keber ko ba, mapanis laway mo dyan, sa isip ko.
Ahmmm, Mia snacks muna tayo dyan sa malapit na food chain bago tayo dumiretso sa bahay nyo, basag nya sa katahimikan.
Nilingon ko sya ng bahagya, Sir busog pa po ako, saka pagod na din ako gusto ko ng magpahinga..ok lang naman po sa akin kung ikaw na lang ang kakain, ibaba nyo na lang po ako dyan sa tabi, maghihintay na lang ako ng jeep..mahaba kong sagot.
Tinitigan ako ni James at iiling-iling na sabi...You're impossible! Look Mia, i'm just trying to be nice, para atleast gumaan ang loob mo sa akin...napipikon na nyang sabi sa akin. Hindi ako kumibo, itinuon ko na lang ang pansin ko sa labas ng bintana.
Okay, okay ihahatid na kita sa inyo, baka pagod ka nga lang, sorry makulit ako. Sumusukong saad ni James. Nanatili akong tahimik, kikibo lang ako kapag itinituro ko ang daan pauwi sa amin.
Nang sa wakas nakarating kami ng bahay, hindi ko na hinintay si James na pagbuksan nya ako ng pinto, kahit na ramdam ko na lalabas sya kaya huminto na lamang...pagkalabas ko, agad akong nagpasalamat, at nagmamadaling pumasok sa gate ng bahay namin. Nang marinig ko ang pag-alis ng kotse ni James, nun lang ako nakahinga ng maluwag.
May kung anong gumuhit na lungkot sa puso ko ng maisip ko kung paano ko tinrato si James kanina. Hindi ko to dapat maramdaman, paalala ko sa sarili ko...haysss ano bang nangyayari sa akin my God! gusto kong batukan ang sarili ko.
Nagdaan ang isang linggo, nalibang na din ako sa teabaho, at di ko na din napansin na isang linggo na din hindi pumupunta ng store si James. Balewala sa akin dahil baka naman sa ibang shift sya tumatambay, hindi lang natataon na nakaduty ako.
Rest day ko, at naisipan kong maggrocery dahil wala na din kaming stocks ng supplies sa bahay. Nagulat ako ng may nabangga ako sa likuran ko...sorry-sorry, ani ko na hindi tumitingin. Pag angat ng tingin ko, mukha ni James at ng babaeng minsan nyang kasamang nagkape sa convinience store na pinapasukan ko. Alanganin akong ngumiti, pero sila nakatingin lang sa akin. Sorry sir, sambit ko sabay layo. Huh! ano yun Mia? tanong ko sa sarili ko, bakit biglang kumabog ang dibdib mo...Hindi, wala lang yun...paalala ko sa sarili.
Nang pumila na ako sa counter para makapagbayad, halos katapat ko lang si James sa pila, nasa kabilang counter sila ng magandang babaeng kasama nya. But in my peripheral vision, nakikita ko na nakatitig lang sa akin si James, hindi ko na lang ito pinansin.
Nang matapos akong magbayad ng mga pinamili, dali-dali akong lumakad palabas ng grocery store, pero may narinig akong tumatawag sa akin, lumingon ako at nakita kong hinahabol ako ni James, at yung babae naiwang nakatingin lang sa akin.
Mia, invite sana kitang magjoin sa amin ni Kelly na maglunch, please? nagsusumamo tanong sa akin ji James. Naku Sir, nagmamadali kasi ako, inutusan lang ako ni nanay baka kailanganin na nya tong ibang pinamili ko, kayo na lang po ni Ma'am, tanggi ko. Akmang lalakad na ako ng biglang magsalita si James, kailan kaya kita makakausap o makikita na hindi nagmamadali, tuwing aayain kitang kumain, ganyan lagi ang sinasabi mo...malungkot nyang saad. Pasensya na po talaga Sir, next time na lang po., salamat po. Sige po, paalam ko. At mabilolos na akong lumabas.
James
Tinanggihan na naman ako ni Mia, hindi ko maipaliwanag kung bakit nasasaktan ako sa tuwing tumatanggi sya sa mga pag-iimbita ko. It's been a month since nakita ko sya sa convinience store na pinapasukan nya, magmula noon hindi na sya nawala sa isip ko, lagi kong nakikita sa balintataw ko ang maamo nyang mukha. Hindi naman sya masungit, pero ramdam ko na ilag sya sa kahit na sino. Sa tuwing pagmamasdan ko sya sa pinagtatrabahuhan nya, kitang nakafocus lang sya sa trabaho nya,
Kaya naman mas lalo akong nachallenge na mapalapit sa kanya, pero bakit parang ang hirap-hirap nyang paamuin.
Oh wag mong sabihin na hindi mo na itutuloy ang panlilibre mo sa akin ng lunch dahil lang di mo napapayag sumama ang love of your life? tukso sa akin ni Kelly. She's my cousin s***h bestfriend, lagi kaming magkasangga kaya naman lagi din syang nakabuntot sa akin. Inakbayan ko sya sabay kurot sa ilong nya, syempre matutuloy tayo, gutom na kaya ako, ani ko. Aray ha, natatawang reklamo ni Kelly. Natigilan ako ng makita ko si Mia sa may kabilang side ng nilalakaran namin at nakatingin. Bigla syang nagbaba ng tingin, at mabilis na lumakad palabas.
Naku nagselos yata, biro ni Kelly. Baliw, sabi ko..ano ikaseselos nya, eh halos ipagtabuyan nga nya ako pag lumalapit ako sa kanya.
Hmmm...wag mong sabihin na sumusuko ka na sa pag papaamo kay Mia? nakataas ang kilay na tanong sa akin ni Kelly. I don't know, sagot ko. Hindi ko lang talaga sya maintindihan.
Come to think of it, baka naman naiintimidate sya sayo kaya umiiwas sya. Look, we both know na magkaiba kayo ng estado sa buhay, kaya baka naiilang lang sya..wika ni Kelly. Napaisip tuloy ako.. ganun nga kaya? Tara na nga, gutom na ko. Aya ko dito.
Mia
Nakita kong masaya sila ng babaeng kasama nya. Pero bakit kasama nya yung girlfriend nya, nakukuha pa rin nya akong guluhin? Haysss ang mayayaman talaga, akala nila makukuha nila kahit anong gustuhin nila. Well, ibahin nila ako..wala akong pake kung mapera at maimpluwensya pa sila. Kiber ko ba. kausap ko sa sarili ko.
Kaya dali-dali akong lumabas at baka makita pa nila ako.
Nagpapahinga na ako sa aking kwarto, nang tawagin ako ni nanay. Mia, gising ka pa ba? May bisita ka. Nagtataka man, tumayo na sin ako at inayos ko ng bahagya ang nagusot na damit pantulog ko.
Pagbaba ko, nagulat ako ng mabungaran ko si James, tiningnan ko si nanay na parang nagtatanong, ngunit tinanguan nya lamang ako.. Nandito na pala si Mia, maiwan ko na muna kayo riyan at ako ay may gagawin sa kusina, paalam ni nanay kay James.
Ano pong kailangan nyo Sir James? tanong ko kaagad, kahit kinakabahan ako sa pakay nya.
Ah, for you. sabay abot nya sa akin ng three red roses na maganda pagkakaayos. Alanganin ako kung tatanggapin ko ba o hindi, kaya naman nakatitig lang ako sa mga bulaklak.
Please accept this, pukaw ni James. Kaya bigla akong natauhan, hindi na sana kayo nag abala pa sir, wika ko.
Mia, alam mong hindi abala sa akin ang pagpunta ko dito...siguro naman alam mong kahulugan ng pagdalaw ko sayo..ani James.
Tinanggap ko ang bulaklak at nilapag ko sa gilid ko..
Ahh, Sir uunahan ko na po kayo ha, kung ano man po ang binabalak nyo, pakiusap wag nyo na pong ituloy. Nagulat sya sa pagiging prangka ko...pero wala akong magagawa, ganito talaga ako eh...
Mia, nag uumpisa pa lang akong lumapit sayo, itinataboy mo na ako agad..malungkot nyang saad. Mas okay na po siguro na malinaw sa inyo..
Mia, I like you. Since the day na nakita kita sa convinience store, iba na ang pakiramdam ko...kaya sana bigyan mo naman ng pagkakataon na magkakilanlan tayo...pagsusumamo ni James.
Pero buo na ang loob ko, walang mangyayari kapag inuna ko ang pag ibig kaysa mga pangarap ko.
Pasensiya na Sir, Hindi talaga puede, at ayoko..
Nakita ko ang lungkot sa mga mata nya, kaya iniwasan ko sya ng tingin.
Okay, I'll give you time, pero hindi ako basta susuko, expect me again some other day. But for now, baka pagod ka lang. malungkot nyang saad.
Hindi na din ako kumibo, hanggang sa magpaalam na sya. Buo ang loob ko na hindi ako magpapaapekto sa kahit kanino, kailangan kong umiwas hanggat kaya ko, ayoko ng sakit ng ulo bandang huli..