Mia
Ilang linggo nang di ko nakikita kahit anino ni James, mukhang tototohanin nyang di muna sya magpapakita sa akin...
Well, good for me,....
Pero deep inside bakit parang namimiss ko sya?
Ahhh erase, erase! Di to puede...wag naman sana...bulong sa isip.
Oy Mia, bakit ang tamlay mo? May problema ka ba? tanong ni Liza, katrabaho ko..
Ah wala, medyo masakit lang ulo ko..sagot ko.
Mag early out kana lang, baka kung mapaano ka, giit pa nya.
Hintayin ko na lang uwian, malapit naman na eh..sabi ko pa.
Five minutes before ako mag out, may pumasok na grupo ng customer, nakita ko si James naupo lang agad sa bench sa labas...Alam kong mga kasamahan nya yung mga pumasok na yun..bigla akong natuwa kaya naman, inassist ko sila agad agad.
Sir tulungan ko na po kayo dyan sa dala nyo palabas..Sabi ko sa kasama nya.
Uy, thank you Miss Beautiful. aniya ng nakangiti.
Inilapag ko ang tray sa table nila James, at tipid ko silang nginitian..Thank you Sir, Ma'am, enjoy your snacks, wika ko pa.
Sabay-sabay silang nagthank you pabalik sa akin maliban kay James.
Paglingon ko sa kanya, pinaglalaruan nya yung buhok ng kasama nyang magandang babae, ni hindi man lang ako tinapunan ng tingin...
Masakit palang yung dating sumusuyo sayo, ngayon parang di ka kilala.
Agad-agad akong lumayo dahil parang maiiyak na ko sa sama ng loob.
Alam kong wala akong karapatan pero di ko mapigil kung ano yung nararamdaman ko, parang sasabog ang dibdib ko.
James
Pinilit kong hindi sya tingnan kahit sa isip ko gusto ko na syang kausapin. Pero nakapagbitiw ako ng salita sa kanya na bibigyan ko sya ng panahon. Ayokong masira sa kanya, kaya hanggang kaya ko, titiisin kong wag syang lapitan at kausapin.
Narinig ko pang masigla nyang inilapag yung mga biniling snack ng barkada at nagthank you.
Sinadya kong ibaling kay Kaye (barkada namin) ang atensiyon ko, hanggang umalis na sya, di ko sya sinusulyapan.
Nung nakatalikod na si Mia saka ko palihim na tiningnan ang bulto nyang palayo.
Hayss I miss her, pero kailangan kong magtiis.
Hoy! tigilan mo yang buhok ko, inis na saway sa akin ni Kaye, at napatawa naman kaming lahat.
Ang bango kaya, inamoy-amoy ko pa, sabay kindat.
Ulol! sabay hampas sa akin ni Kaye..kaya tinawanan ko lang din.
Nakita ko pang napalingon si Mia sa amin, kaya mabilis kong binawi ang tingin ko.
*****Sorry for the Short episode, bawi ako next eps!?******