Missing You

871 Words
Mia Umuwi akong mabigat ang loob, hindi ko maintindihan kung bakit nasasaktan ako nung hindi ako pinansin ni James. Ikaw ang may gusto nyan..kastigo ko sa sarili. Pero parang may mali. Bakit parang hinihintay ko kanina na pansinin o batiin man lang nya ako.... Bakit parang mas masaya pa sya at parang hindi nya ko kilala. Ano ba Mia, paalala ko sa sarili ko...wala lang yun. Haysss, ang sakit sa dibdib... Ano ba to, bakit ganito? Pagkatapos kong maglinis ng katawan at magbihis, nahiga na agad ako sa kama. Wala talaga ako sa mood ngayon, kahit nung tinatawag na ako ni mama na maghapunan, nagdahilan na lang ako na busog. Pero ang totoo, kahit ang gutom ay di ko maramdaman. Mas dama ko ang bigat ng dibdib ko. Hanggang sa agawin na ng antok ang aking kamalayan. James Nakita ko pa syang naglalakad kanina, pauwi na siguro sya. Pinigil ko ang sarili kong habulin si Mia kahit ang totoo gustong gusto ko na syang kausapin. Natatakot naman ako na iwasan na ulit at makulitan sa akin. I will give her enough time, baka nabigla lang sya sa pagtatapat ko. Kaya ko naman na maghintay. For the meantime, iisipin ko kung paano ko sya mapapaamo. Guys! tara shot muna tayo sa Barj. Aya ni Kaye sa amin para pumunta sa paborito naming bar. Let's go! Let's go! sabay sabay na kaming nagtayuan. Kapag talaga alak ang usapan nanginginig pa sa pagmamadali ang mga kaibigan kong ito, tsk! At ito din ang gusto ko sa mga kaibigan ko, kapag kasama ko sila, nawawala kahit sandali ang mga isipin ko. Mia Bagong umaga, pinilit kong pasiglahin ang aura ko. Baka mahalata pa nila mama na may dinadala ako sa dibdib ko. Mag aalala pa sila, hindi sila sanay na malungkot ako. Good morning! Bati ko kina mama, papa at mga kapatid ko. As usual sabay-sabay kaming nagbreakfast bago nagkanya-kanyang larga na. Blessed ako sa pagkakaroon ng pamilyang simple, kahit mahirap ang buhay keri lang. Kaya nga kahit di nila hinihiling, pinangako ko sa sarili ko na kahit papaano pipilitin kong iangat ang buhay namin. Sana matupad ko ang pangako kong iyon... sa isip ko. Weeks has passed, di ko na napapansin na nagagawi sa convinience store si James. Nahihiya naman akong tanungin si Hannah baka kung saan pa umabot ang simpleng pagtatanong ko. Knowing this girl, may pagka intrigera. Uy girl, parang di ko na nakikitang bumibili dito yung prince charming mo? panunukso sa akin ni Hannah. Bulls eye, nasa isip ko pa lang, nasagot na nya ang tanong ko. Sinong Prince charming? kunwaring tanong ko. Sus! if i know, laging nanghahaba ang leeg mo kapag may nagpapark sa harap na kotse, panunukso niya muli. Iiling-iling na lang akong hinarap ang nililinisan kong istante. Bakit nga kaya hindi na sya nagpakita kahit dito sa store? bulong ko sa sarili ko... Ano kaba Mia, namimiss mo ba sya? napalunok ako sa naisip ko...namimiss ko na nga ba sya? Oh no! Hindi to puede! Hindi puede! James Been busy this past few weeks, di ako ready sa bigla kong pagsub sa work ni Kuya ah. Hays sumasakit ang ulo ko dito. Tawag na ng tawag ang barkada pati na din si Kelly, nagtatago daw ba ako sa kanila haha. Kung alam lang nila na tinambakan ako ng workloads ni Kuya dito sa opisina nya. Well, dapat ko na din naman kasing aralin ang pagpapatakbo ng business namin, pero hindi naman sana sa ganitong pagkakataon. Iwanan daw ba akong mag isa at nagbakasyon sila, habang ako taranta kakaaral sa mga naiwan nyang trabaho dito. Kamusta na kaya sya? bigla akong napatigil sa aking ginagagaw. Naalala ko sya bigla, I miss you Mia..bulong ko sa isip ko. Bad trip kasi tong si kuya eh. Bigla kong naisip na lumabas muna at bumili ng kape sa store na pinagtatrabahuhan ni Mia. Sana nakaduty sya ngayon, mahina kong dasal. Hi Sir, Good afternoon! bati sa akin ng isang staff ng convinience store, ito yung madalas kasama ni Mia sa duty. Hi Hannah, balik-bayi ko sa kanya, dahil nabasa ko yung pangalan nya sa nameplate nya. Mukhang nag-iisa ka ah, pasimple kong tanong habang ngdidispense ako ng kape. Ah may mga kasama po ako, nasa stock room lang, sabi nya. Bigla tuloy akong napalingon sa may pinto na may nakatag na StockRoom for employees only. Biglang napangiti si Hannah,. Si Mia po ba hinahanap nyo? Nakaout na po sya..morning shift po sya ngayon, nakangiti sya na parang nanunudyo. Ganun ba?, miss ko na yung magandang kaibigan mo na yun, patianod ko sa kanya. Biglang lumuwang ang ngiti nya. Sabi ko na nga ba eh, crush mo sya Sir noh? tanong ni Hannah. Natatawa akong sumagot, masyado ba akong obvious? pakisabi kinukumusta ko sya, sabay kindat ko. Kinikilig naman syang sumagot, makakarating yan Sir, bet kaya kita para sa kanya, pabungisngis na sagot nya. Nakipagkulitan pa ako ng ilang sandali kina Hannah at mga kashift nya bago ko naisipang umalis na. Lumabas ako ng store dala ang kape na medyo mabigat ang pakiramdam. Miss na talaga kita Mia..bulong ko sa isip ko. Bumalik na lang ako sa opisina at inabala ang sarili sa pagbabasa ng mga papeles na nakatambak sa aking mesa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD