Seeing You Again

727 Words
Mia My everyday routine continue as the day pass by. Bahay, trabaho, trabaho, bahay. Walang kapagurang trabaho para sa ekonomiya, char! Girl may meeting daw tayo sa office ni boss, balita ni Tin. Opening ako ngayon sa mall na pinagtatrabahuhan ko din. Ngayon na ba? tanong ko. Yup, before duty daw, tara na..aya nya. In my peripheral vision, parang nakita ko na may nakatingin sa akin, sa kakamadaling lumakad bukod pa sa hila ako ni Tin, di ko na nakita kung sino yun dahil hindi na rin ako makalingon. Habang nasa meeting, abala ako kakaisip kung sino ba yung nakatingin na yun sa akin kanina. Nagulat na lang ako ng may ipakilala bigla ang Manager namin. Guys, meet Mr. Aylone Santos, our new Sales Supervisor. Sabay-sabay kaming napamata sa bago naming Supervisor. Omg! super gwapo ni Sir, kinikilig na bulong sa akin ni Tin. Shhhh, baka marinig ka, saway ko sa kanya. Di yan, sagot pa ng makulit na si Tin. Habang nagpapakilala, napatingin sa gawi namin si Sir Aylone, ngumiti sya sa amin ni Tin at nagpatuloy. Shucks, nakita mo yun, nginitiin nya ko bes! kinikilig na sabi ni Tin. Pareho tayong nginitian di lang ikaw, natatawa kong sagot. Ah, Miss De Leon pukaw sa amin ng manager namin, Yes Ma'am? sagot ko. Ikaw muna ang incharge sa pagtour kay Sir Aylone sa buong area. After mo syang maitour, saka ka na lang pumunta sa pwesto mo...wika ng aming manager. Okay po Ma'am, sagot ko. James Napatigil ako sa paglalakad ng mapansin ko si Mia, hila-hila sya ng isang staff din sa mall. Pakiramdam ko alam nyang tinitingnan ko sya, para kasing lilinga-linga sya. Nagpatuloy ako sa paghahanap ng ilang formal attire na kailangan ko para sa opisina, nakakahiya naman na kasing pumasok ng nakacasual lang lagi. Kailangan ko ng medyo formal na mga attire, para kahit papaano worth naman ang paggalang sa akin ng mga empleyado namin, kahit na nga ba pansamantala lang ako sa opisina na yun. Ilang oras nandin akong naghahanap, nang bigla kong makasalubong si Mia, nagkatinginan kami. Babatiin ko sana pero may umakay sa braso nyang isang lalaki. Biglang nag init ang ulo ko, pakiramdam ko anytime makakasakit ako ng tao. Tiningnan lang ako ni Mia at sumunod na din sa kasama nya. Pinakalma ko ng sandali ang sarili ko bago nagpunta ng cashier para magbayad. Sirang sira ang araw ko. Gusto kong komprontahin si Mia, pero alam kong wala akong karapatan. Ni hindi ko nga alam kung interesado din ba sya sa akin. Lumabas ako ng mall na nagpupuyos ang aking damdamin, Ayaw ko man sa nararamdaman ko, ano magagawa ko, nagseselos talaga ko. Dumiretso ako sa opisina at isinubsob ko muli ang sarili ko sa trabaho. Hay what a bad day. Mia Nagulat ako ng makasalubong namin ni Sir Aylone si James. Babatiin ko sana sya pero parang ang sungit ng awra nya. Parang manununtok ng tao kung pagmamasdan mo. And for the second time around, dinedma nya ako. Nilagpasan nya kami ni Sir Aylone na parang di nya ko kilala. Nandun na naman yung pamilyar na kirot sa dibdib ko. Ngayon konlang naramdaman yung nalungkot ako sa pandededma ng isang tao. Dati naman, balewala sa akin kahit di ako pansinin ng mundo. Sumunod na lamang ako kay Sir, para iikot pa sya sa area ng mall. Halos two hours din kaming nag ikot bago kami umupo sa food court. What do you want to eat? Naku Sir wag na, saka may.lunch break naman kami mamaya. No, i wont take a no for an answer. Sige na, sagot ko..ngiti sa akin ni Sir. Wala na kong nagawa kundi saluhan sya sa pagkain bago ako bumalik sa station ko. After duty, nagmamadali na akong nag ayos ng gamit, may pasok pa ako sa convinience store, maglalunch lang muna ako sandali, at papasok na. Papalabas na ko ng mall ng may nagsalita sa likod ko, sabay na tayo. Paglingon ko ay si Sir Aylone pala. Ah Sir hindi na po, may ibang pupuntahan pa po kasi ako. pagtanggi ko. Hmmmm ok, maybe next time, labas tayo? sagot patanong nya. Napakunot ang noo ko, wow ha..feeling neto, bulong ko sa sarili ko. Kasabay ko na syang lumabas ng mall. Humiwalay din ako at pumara ng jeep papunta sa isa pang work ko. Sa sobrang busy, nakalimutan ko pansamantala ang mga iniisip ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD