Chances

810 Words
James Napatigil ako sa pagdadrive ng makita ko muli si Mia, kasabay na naman nya yung tukmol na kasama nya kanina. Kumukulo na naman ang dugo ko. Ano bang meron sa kanila at lagi na lang sila magkasama. Sa sobrang inis ko, pinaharurot ko ang kotse ko. Naiinis talaga ako sa nakita ko. Hindi ko na namalayan na sa convenience store na pala ako napadpad. Bumaba na din ako, bibili na lang ako ng kape. Nawala na din naman ako sa mood kumain. Pumuwesto na lang ako sa gilid habang nagkakape, bigla akong napatigil ng makita kong pumapasok sa pinto si Mia. Mukhang duduty sya ngayon dito. Hindi ako kumilos kahit biglang kumabog ang dibdib ko pagkakita ko pa lang kay Mia. Dumiretso sya sa loob, pag labas nya nakipag usap lang saglit sa kasama nya. Palapit sya sa ngayon sa akin, hindi ko alam kung napansin na nya ako. Palagpas na sana sya ng makita nya ko, gulat ang rumihistro sa maganda nyang muka. Hi, good afternoon Mia, bati ko sa kanya. Tipid syang ngumiti, good afternoon Sir, balik bati nya sa akin. Long time no see Sir ah. Dagdag pa nya. Mukhang di nya ako nakita sa mall kanina base sa pagbati nya sa akin. Ah naging busy lang this past week. Sagot ko. Tumango-tango sya. Ahmm sige Sir, maiwan ko na muna kayo ditan, magrerefill lang ako sa chiller. Tumango ako at tumalikod na sya sa akin. Kakaiba ang naramdaman ko, bakit yung simpleng pagkausap nya sa akin kanina lahat ng inis na nararamdaman ko, bigla na lang naglaho. Talagang iba sya, makita ko lang si Mia na nakangiti, buo na ang kahit sirang-sirang araw ko. Mia Nagmamadali akong pumasok sa store, akala ko late na ako, kasi naman tong si Sir Aylone inabala pa ko eh..inis kong bulong. Buti na lang medyo maaga pa pala, nagpalit agad ako ng uniform at nagready na. Hi Hannah! Bati ko sa kabuddy at kaibigan ko. Oy girl, inginuso nya sa akin si James na nagkakape sa gilid. Tiningnan ko sya ng tingin na nagsasabing, So? at ang bruha tinawanan lang ako. Nandito din sya kahapon, sabi nya ikumusta ko daw sya sayo..bulong pa nito na may ngiting nanunukso. Nagkibit balikat lang ako at dumiretso na papunta sa chiller. Nang madadaanan ko si James sa kinaroroonan nya, hindi ko alam kung babatiin ko ba sya o ano. Nagulat pa ako nung nauna syang bumati. Good afternoon Mia! sabi ni James. Binati ko din sya at kinausap sandali. Nagpaalam agad ako sa kanya dahil di ko na mapigil ang kilig na nararamdaman ko. Ah sige sir, maiwan ko na muna kayo dyan, magrerefill lang ako sa chiller, paalam ko. Tinanguan naman nya ako at dali-dali akong nagtungo sa loob ng stockroom. Pagkapasok ko sa stockroom, pinakawalan ko ang kilig na nararamdaman ko. Oh my God, Oh my God! Para akong maiihi sa kilig. Buong duty akong nakangiti, wala akong pake kung tinitingnan ako ng may kahulugan ni Hannah, basta masaya ang puso ko ngayon. James I'll take this chance, baka this time magkapag asa na ako kay Mia. Nararamdaman ko magaan na nya akong kausapin, sana maging maayos na kami. Nakapark ako ngayon sa gilid ng store na pinatatrabahuhan ni Mia. Hinihintay ko syang mag-out. Okay na sa akin yung makita ko lang sya bago ako umuwi. Napatuwid ako sa pagkakaupo ng masilip kong palabas na ng store si Mia. Lumabas ako para makita nya agad ako sakaling mapatingin sya sa gawi ko. Naglalakad si Mia palapit sa sasakyan ko..Hi Mia. Bati ko, Oh Hi Sir James..may hinihintay po kayo? tanong nya. Actually yes, may hinihintay ako..ikaw talaga hinihintay ko. Napatingin sya sa akin..C'mon Mia, we both know na may feelings ako para sayo..simple kong tugon. Hindi sya kumikibo, Can i invite you out? marahan kong tanong..Nag-angat sya ng tingin. Please?? pagsusumamo ko..marahan syang tumango, o-okay. Sobrang saya ko sa sagot nyang yun, pakiramdam ko, sinagot na nya ako..Woah! Pinagbuksan ko sya ng pinto at pinasakay sa kotse. This is it, sa isip ko...this is my chance, and i will never waste it. Mia Nang makita ko si James sa labas ng store, alam kona na ako ang pakay nya, Kaya naman nang ayain nya akong lumabas hindi na din ako nagpakipot at pumayag na din. Masarap pala sa pakiramdam na hindi pinipigil ang nararamdaman, nakakahinga ng maayos. Habang nasa byahe kami, pasimple akong sinusulyapan ni James,..alam ko at nararamdaman ko. Binalewala ko lang, ayokong mailang. Tahimik lang ako pero kinakabahan sa kung ano ang kakahinatnan ng desisyon ko na sumama kay James. Bahala na, hindi naman siguro ako mapapahamak. Mabait naman si James, bukod pa medyo matagal na namin syang customer. Hindi ko din kasi maintindihan ang sarili ko. Sana hindi ko pagsisihan ito. At masaya naman ako. Unang beses kong pinagbigyan ang gusto ng puso ko kaysa isip ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD