Mia
Sa isang tahimik at mukhang mamahaling restaurant kami napadpad ni James. Sunod-sunuran lang ako, ayoko na munang mag inarte sa ngayon, pagbibigyan ko muna ang puso ko.
Tahimik lang kaming nagdinner, pinaubaya ko na sa kanya lahat pati ang pag order ng pagkain namin.
Let's go? aya sa akin ni James pagkatapos naming kumain.
Nag-angat ako ng paningin, saan? tanong ko...
Maglalakad-lakad lang muna tayo, may park na malapit dito, c'mon! hatak nya pa ang kamay ko.
Nagpatianod na lang din ako...nagugustuhan ko naman yung paghawak-hawak nya sa akin eh.
Naupo kami sa isa sa mga bench ng park. Matagal na nagpapakiramdaman lang kami.
Naririnig ko ang pagbuntong hininga nya, alam kong may gusto syang sabihin.
Ang ganda dito no? basag ko sa katahimikan...
Ngayon lang ako nagawi dito.. dagdag ko pa.
Napatingin sya sa akin. Lagi ka naman kasing busy, sabi nya. Bakit ba kailangan mo pang mag double job? Hindi ka ba napapagod? tanong nya..
May pangarap kasi ako para sa pamilya ko, tugon ko...
At ito lang din naman ang alam kong paraan para matupad ko yun..though, hindi naman nila hiniling, pinangako ko naman yun sa sarili ko.. dagdag ko pa.
Ano bang pangarap yun, baka sakali makatulong ako..tanong ni James.
Oy, di puede ah..natatawa kong sagot, ako ang may pangarap para sa kanila kaya ako lang din ang makakatupad nun, mandadamay pa ba ko, nakangiti ako habang sinasabi yun sa kanya.
Napatitig sya sa akin....hays ano ba to, ang init-init haha, pinapawisan ako sa titig nya.
You can work in our company, alok nya..puede kitang hanapan dun ng posisyon na bagay sayo, atleast di ka na magdodoble ng trabaho..
Umiling ako..kaya nga ayokong makihalubilo sa mga yayamanin na katulad mo eh, ayokong mapagbintangan na social climber, di ko siguro maatim na magtrabaho ng hindi ko pinaghirapan yung posisyon na makukuha ko...mahaba kong paliwanag sa kanya.
Hindi naman pagiging social climber yun, ako naman ang nag offer sayo..wika pa nya.
Hindi ba puedeng maging magkaibigan tayo nang walang utang na loob sa isa't-isa? balik ko sa kanya.
Natigilan sya sa sinabi ko. Well, I'd like to help you lang naman, pero kung ayaw mo, it's ok, baka mamaya iwasan mo na naman ako..natatawa nyang sabi..
Naku, hindi naman ako ganun..naiilang lang ako sayo dati kaya umiiwas ako, saka nahihiya din ako sa mga kaibigan mong sosyal, nakangiti kong wika.
James
Magaan ang naging pag uusap namin ni Mia ngayon, pakiramdam ko hindi na sya naiilang sa akin.
Hindi ko din naramdaman na nainis o nainsulto sya ng offeran ko sya na magwork na lang sa company namin.
Napapabilib talaga ako sa kanya, tumanggi sya at nagpaliwanag kung bakit ayaw nyang tumanggap ng tulong mula sa akin.
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko kapag nasa malapit lang ang babaeng ito. Alam ko sa sarili ko na hindi lang paghanga ang nararamdaman ko para sa kanya. Mahal ko na sya, matagal na. Siguro ito na din ang best time for a good start.
Marami-rami din kaming pinag usapan ni Mia, na kung ano- ano lang naman, mas marami pa ngang biruan.
Ang saya ko, kasi alam kong komportable na sya sa akin.
Gabi na pala masyado. Mauuna na ako sayo, baka hinahanap na ako sa bahay, paalam ni Mia.
No, ihahatid kita..sabi ko, Hindi, okay lang ako, sanay naman akong magcommute, andyan lang naman sa labasan yung sakayan ng jeep. Giit pa nya.
Mia, ginagap ko ang kanyang palad..hindi naman kita hahayaang umuwing mag-isa sa ganitong oras, beside ako ang may gawa kaya ka ginabi.
Tumango na lang sya, dahil mukhang nabigla sa pagkakahawak ko sa kamay nya.
Mia, tawag ko sa kanya..na ikinalingon nya.
Nasa daan kami ngayon, pauwi sa kanila.
Puede ba tayong maging ganito lagi? kumunot ang noo nya...
I mean, yung ganito..puede kitang ihatid o sunduin sa inyo, yung hindi mo na ko iiwasan tulad ng dati. Itinigil ko muna sandali ang sasakyan ko sa isang tabi..
Gusto kong patunayan sayo na malinis ang intensyon ko. Puede ba? tanong ko.
Hindi sya kumibo, habang kabang-kaba ako na baka magalit sya sa mga pinagsasabi ko.
Ahmmm, puedeng hatid na lang, wag na sundo? umpisa ni Mia.. Wala akong maipapangako sayo, kung hindi ang hindi na kita iiwasan, hindi din kita bibigyan ng pag asa na magkaroon ng linaw yung sinasabi mong papatunayan mo.. kasi sa totoo lang, kaya ako umiiwas sa mga nagkakainteres sa akin, ayoko ng distractions..wala din kasi akong maibibigay na oras, kaya alam kong sa wala din mapupunta kahit anong effort ang gawin...mahaba nyang paliwanag.
Okay lang, naiintindihan naman kita..basta sana hayaan mo lang ako, masaya na ko kahit ganito lang muna tayo..wala akong ibang hihilingin sayo maliban sa hayaan mo lang ako..
Bahala ka, sagot nya..katawan mo naman yan, magsasawa ka din sa boring.na katulad ko,.
Boring ka ba? nakatawa kong tanong, parang hindi naman...ang dami nga nating napagkwentuhan, natatawa ko pang dagdag.
Well, kapag minsan medyo madaldal ako..bilog kasi ang buwan ngayon hahaha..biro pa nya.
At sabay kaming nagtawanan sa mga sinabi nya.
Hanggang makarating kami sa kanilang bahay, puro biruan lang kami.
Inaya pa nya akong pumasok sa kanila at magkape, ngunit tinanggihan ko na. Magpahinga kana, masyado na kitang naabala..sabi ko
Buti alam mo, irap nya sa akin pero nakangiti. O sige, kung ayaw mong pumasok at magkape, ingat ka na lang pauwi.
I will, para sayo, sabay kindat.
Mia rolled her eyes,, Sus!
Yun lang at pinaandar ko na ang sasakyan paalis, nalingunan ko pa sya na nakangiti habang sinusundan nya ang kotse ng tingin papalayo. Ako nama'y hindi din maalis ang ngiti sa labi ko.