Mia
Pinagmamasdan ko ang sasakyan ni James habang papalayo, alam ko sa sarili ko na kinikilig ako.
Ngayon ko lang naramdaman yung ganitong feeling, yung parang masaya kana sa mga simpleng ginagawa nya.
Magaan ang pakiramdam kong natulog, hanggang sa pagpasok ko sa trabaho kinabukasan dala ko pa din yung magaan na pakiramdam.
May bago sayo., ani ng kabuddy ko sa customer service. Anong bago? maang kong tanong.
Ah basta may bago sayo, parang ang blooming mo pa ngayon..dagdag pa niya.
Ngumiti na lang ako at inabala ang sarili sa trabaho.
Break time, nagmamadali akong nag ayos ng area ko, gutom na talaga ako.
May tumayo sa harap ko,..Uy Sir Aylone kayo pala, anong atin? bati ko.
Ngumiti sya, sabay na tayong magbreak. sagot nya. Napataas ang kilay ko pero hindi na lang kumibo.
Nasa pantry kami ng tumunog ang cellphone ko, indikasyon na may message.
Hi, good morning! text ni James.
Good morning, reply ko.
San ka ngayon? Nagbreakfast kana? -James
Yeah, kasalukuyan, break ko eh-Ako
Sunduin kita mamaya dyan, anong oras out mo? -James
Ah wag na, didiretso na ko sa store after ko dito, may duty ako dun.-Ako
Okay, sige sa Convenience store na lang kita susunduin mamaya-James
Okay, sige-Ako
Ingat! I love you-James
Nagulat ako sa huling messages ni James, napakagat ako sa daliri ko at nangingiti. Kinikilig ako, buset haha!
Buong break ba magce-cellphone kana lang? nakaangat ang kilay na tanong sa akin ni Sir Aylone.
Ay sorry Sir, eto na kakain na. Natatawa kong sagot.
Sobrang importante naman yata ng katext mo, at nakalimutan mo ng may kasama ka dito, pati pagkain mo nakalimutan mo din..masungit pang sabi.
Napatingin ako sa kay Sir, sungit ah...sa isip ko.
Binilisan ko na lang ang pagkain para hindi ako maover break.
Sabay na din kaming bumalik ni Sir Aylone,
Mabilis na lumipas ang oras na hindi ko namamalayan. Lahat ay magaan at nagagawa ko ng may ngiti ang mga task ko.
Hangang sa pagpasok ko sa convenience store ganun pa din ang mood ko.
Pagka out ko, expected ko ng may susundo sa akin, di ako nagkamali sana labas na si James, nakangiti sya habang nakatingin sa akin.
Tara sabi ko, hindi ako makatingin sa mga mata nya, nahihiya ako na baka may makita syang kakaiba sa akin.
Okay, let's go sabi nya.
James
Magmula nang ihatid ko si Mia nung gabi naging masaya ako, pero may gusto sana akong linawin sa kanya.
Pakiramdam ko kasi pareho lang kami ng nararamdaman, ayoko nga lang sya madaliin baka matakot, kaya kontento na ko sa ganitong set-up namin, atleast di nya na ako tinatanggihan, lagi na syang ngumingiti sa akin..
Ahhh, sana lagi na lang kaming ganito.
Nandito kami sa isang fastfood chain, sinundo ko sya from work, at maaga pa naman kaya pumayag naman sya.
How's your day? simula ko.
Okay naman, sagot nya..ikaw?
Uhm, ganun pa din..busy sa work.
Haaa? naku bakit sinusundo mo pa ko, naabala ka pa. gulat ni Mia na sagot.
Natawa ako sa reaction nya, seriously Mia? Kahit kailan hindi ka naging abala sa akin. Gusto ko tong ginagawa ko nato. At alam kong alam mo kung bakit. Seryoso kong sabi.
Hindi naman sya kumibo at yumuko lang.
Maghihintay ako Mia....hihintayin ko yung araw na maging pareho tayo ng nararamdaman. But for now, hayaan mo na lang ako, ipinagpapasalamat ko na hindi mo na ko iniiwasan tulad dati.
Nag angat sya ng paningin at ngumiti sa akin.
Hindi ko alam kung bakit ang tingin ko sa kanyang mukha ngayon ay parang ang aliwalas...hindi kontuloy napigilan ang sarili ko..I love you, sabi ko..ang ganda mo ngayon...
Hindi naman sya kumibo, iniexpect ko na positive ang ang kakalabasan ng hindi nya pagkibo..good sign bulong ko pa.
Mia
Lumipas ang mga araw, halos sanay na kami sa isa't - isa ni James, para na din kaming couple dahil walang araw na hindi kami magkasama kahit na nga ba sa gabi lang.
Kapag may lakad sya, nagpapaalam sa akin..nagtetext at tumatawag kapag alam nyang may free time ako sa work.
Nameet ko na din yung iba nyang mga kaibigan, okay din sya sa parents at mga kapatid ko.
Mia?! tawag ni Sir Aylone.
Yes Sir? sagot ko..
Anong oras out mo? tanong nya
Maya-maya pa pong 2pm sir...maikling sagot ko.
Yun lang at tumalikod na sya.
Nasa exit door na ako ng mall ng may tumabi sa akin.
Sir Aylone kayo pala, pauwi na po kayo?
Yes, actually aayain sana kitang mag-snacks muna..sagot nya.
Ahmm, sabay tingin sa relo ko..
Wag mong sabihin na tatanggihan mo ko Mia, inis na sabi nya.
Nagulat naman ako sa kanya, anong meron dito at parang inis, sa isip ko.
Okay Sir, samahan ko kayong mag-snack, mamaya pa naman duty ko sa store.
Napatingin sya sa akin, may isa ka pang work? tanong nya.
Opo, sagot ko. Nababalanse ko naman, saka naiintindihan ng boss ko yung schedule ko sa mall, kaya inaadjust na lang nila, depende sa word sked ko..mahaba kong paliwanag.
Tumango-tango lang naman sya...at patuloy kaming naglakad.
Sa isang Pizza parlor kami pumasok, at nagulat ako na nandun si James. Ibinaling ko ang tingin ko sa kabilang direksyon at nagkunwari akong di ko sya nakita nung itinuro ako ni Hans isa sa kaibigan nya.
Mia, ano gusto mo? tanong ni Sir Aylone.
Ahh Sir, bahala na po kayong umorder, mauuna na po ako sa table, sagot ko.
Okay sige, sabi nya...yun lang at nagmamadali akong humanap ng table na malayo sa kinaroroonan nila James.
Tahimik akong naghihintay kay Sir Aylone nang lumapit si James sa table namin.
Mia...tawag nya..nag-angat ako ng tingin..
Alanganin akong ngumiti, Uy James, bakit ka nandito? bati ko....shucks Mia mag isip ka ng maayos, bulong ko.
Out mo na? tanong nya..Ahh oo, sinamahan ko lang magsnacks yung supervisor namin..sagot ko, bakit nagpapaliwanag ka..sa isip ko.
Nagtama ang mga mata namin, napaiwas na lang ako.
Mia, may problema ba? palit-palit ang tingin ni Sir sa amin ni James.
Ahhh wala Sir, natutuliro kong sagot.
James, si Sir Aylone..Sir si James po...pakilala ko sa kanila.
Tumango lang si James..sige balik na ko sa table namin..yun lang at walang lingon likod na bumalik na sa mga kasama nya.
Woah! boyfriend mo? tanong ni Sir Aylone.
Hindi ako sumagot, inabala ko na lang ang sarili ko sa kunwaring pagbabasa ko ng flyer na nasa table.