"They're still my parents," walang kabuhay-buhay kong saad sa lalaking nagmamaneho ng sasakyang kinaroroonan ko. "I didn't say anything," bagot naman nitong sagot sa akin. "You didn't have to say anything! Kitang-kita naman sa mukha mo na ayaw mo akong samahan, eh! Sana kasi tumanggi ka na lang para iba na lang ang nag-drive para sa akin!" nanggagalaiti kong sabi sa kanya na inikutan niya lang ng mga mata. "Clem doesn't trust anybody else to be with you kundi ako lang. Hindi ko pwedeng tanggihan iyon." Itinigil ni Sanders ang kotse sa isang tabi bago niya ako hinarap. "Look, I know you've been to a lot of stress lately lalo na at aalis ka na hindi kasama si Clem. Alam ko rin na ninenerbiyos ka at natatakot sa gagawin mong pagpapalaam sa mga magulang mo kaya naiintindihan ko kung ba

