The feeling of seeing her finally awake and smiling at me was unexplainable. Napatayo ako, napaupo para lang muling mapatayo dahil hindi ko alam ang gagawin ko. I wanted to touch her, to hug her, and to kiss her ngunit natatakot ako na sa gagawin ko ay masasaktan ko siya. "It's okay, Ruth. You can kiss me," pag-iimbita niya sa akin pagkatapos niyang alisin ang oxygen mask niya. Hindi na siya kinakailangan ulitin ang pag-iimbita niyang iyon. Dahan-dahan at maingat kong hinalikan ang noo niya, ang tungki ng ilong niya, at ang panghuli ay ang mga labi niya. "I missed you, Clem," lumuluhang sambit ko habang paulit-ulit na hinahagkan ang mga labi niya. Maingat din akong yumakap sa kanya. I cried even harder when I felt her kiss my hair. "I miss you so much too, Ruth." Lalo pang bumuhos

