Mahapdi ang mga mata kong nagising. Ganito naman na ako sa ilang araw na pananatili ni Clem dito sa ospital mula noong maaksidente siya. Naaalala ko pa ang bawat sandali nang ipaalam nila sa aking nasangkot siya sa aksidenteng iyon. Halos gumuho ang mundo ko. Halos masiraan ako ng ulo. Hindi ako tumigil sa paghagulgol habang sakay ako ng sasakyan nina Marcus at Francis noong papunta na kami sa ospital kung saan siya dinala kasama ang mga nasangkot sa karambolan ng mga sasakyan. May mga grabe ang naging pinsala at namatay na siyang nakadagdag sa takot ko sa mga sandaling iyon. Dumating ang mga magulang niya kasama ang ex niya ngunit hindi ko sila nagawang kausapin. Gusto ko silang sisihin na kung hindi dahil sa pagpupumilit Nila, hindi pupunta si Clem sa kanila. Ngunit alam ko rin na kagus

