Mag-iisang linggo na ako rito sa Martenei at dumating na ang mga oras na nakadarama ako ng pagkabagot sa usual kong ginagawa maghapon. At ngayong araw na ito, nagdesisyon ako na mamasyal para kahit papano ay mawala ang pagkabagot ko. Ayoko namang laging istorbuhin sa pamamagitan ng pagte-text o pagtawag si Clem dahil alam mong busy siya sa mga klase niya. Kaya naman nang magdesisyon akong lumabas ay hindi na ako nagpaalam sa kanya. Dito lang naman ako sa university, eh. Hindi naman ako mawawala. I'll just make sure na makababalik ako bago pa makauwi si Clem. Nang magdaan ako sa reception area, halos wala namang nagbawal sa aking lumabas kaya dire-diretso lang ako. Naglakad ako nang naglakad hanggang sa marating ko ang bench na nadaanan namin ni Clem noong gabing naglakad kami patungo sa m

