"Ungh!" ungol ko nang panumbalikan ako ng malay. Magbibigat ang mga takulap ng mga mata ko ngunit pinilit ko silang iminulat. Hindi pamilyar sa akin ang kuwartong kinaroroonan ko pagkatapos kong igala ang nanlalabo pang paningin ko. Puro salamin ang nakikita ko. Sinubukan kong bumangon ngunit bago pa ako tuluyang makaupo ay bumukas na ang pintuan ng silid na kinaroroonan ko. Pumasok ang isang pamilyar na lalaki sa akin. And because I was still disoriented, ilang segundo muna ang nagdaan bago ko siya nakilala. "M--Marcus?" "Glad you're finally awake," walang kaemo-emosyon niyang sagot. Umupo siya sa isang couch sa harapan ko at saka ako tinitigan. Nagtataka man sa ginagawi niya ay nakipagtitigan din ako sa kanya para lang biglang panlakihan ng mga mata nang maalala ko ang mga eksenang

