Kaagad akong umuwi sa unit ni Clem pagkatapos kong lumabas sa kuwartong iyon. Nagkaabutan pa nga kami ni Maggie who has bought my lunch sa utos raw ni Clem. I thanked her, ate, and took a shower for my power nap. Since gathering iyon ng 7 Demons, naroon ang lahat ng partners ng masters. Kinakailangan na ako ang pinakamaganda sa aming lahat. Well, maganda rin naman talaga si Cles with her doll-like face kaya nga nakuha niya kaagad ang atensiyon ng kambal at wala talagang nagpatalo sa magkapatid para ariin siya. Angelique naman has a somewhat rare beauty. Iyon bang habang tinititigan mo siya ay paganda siya nang paganda. I can't wait to see the combination of her beauty and Ryan's handsomeness in their child or children. Siguradong nakapaguguwapo o napakagaganda ng mga magiging anak nila.

