The dinner was good. Ilang beses na nga akong kumuha ng pagkain at nakalimutan na ang diet ko dahil gusto kong matikman ang lahat ng pagkain na nakahain. I can say na talagang celebration nga ang naganap dahil for sure babaha rin ng alak pagkatapos ng dinner. The couples were sweet to each other. Nakakainggit si Cles na dala-dalawa ang tila nagkukumpetisyon para pagsilbihan siya. Maging si Marcus ay todo-asikaso rin kay Francis. Tahimik lang namang inaasikaso ni Aniq ang nobyo at kitang-kita naming lahat how Ryan appreciates her. Sanders and his partner seem like they were on their own bubble. Nagsusubuan pa nga sila sa harap naming lahat. Ayaw yata nilang magpatalo na parang may contest ng sweetest couple sa gabing ito. Si Flame naman ay tahimik lang. Siya lang ang walang partner sa a

