Chapter 25 (Luna’s POV) Tahimik ang mga araw naming dalawa ni Raven. Lumipas na ang ilang linggo mula nang dumating kami dito sa maliit na baryo sa San Felipe baryong halos walang bumibisita, puro alon, amoy ng asin sa hangin, at kaluskos ng mga dahon sa bawat umaga. Dito, parang bumagal ang oras. Walang humahabol. Walang galit. Walang tinig ng nakaraan. Madalas kaming magising ni Raven sa tunog ng mga manok at mga alon sa umaga. Si Aling Marta, ang matandang nagpatuloy sa amin, ay laging maaga may dalang tinapay o kape, at lagi niyang sinasabi, “Ang mga bata ngayon, dapat marunong magpahinga.” Hindi niya alam, kami ay hindi ordinaryong “mag-asawa.” At lalong hindi niya alam na kami ay mga taong may tinatakbuhan. Bawat araw, sinusubukan kong kalimutan ang lahat. Pinipilit ko

