CHAPTER 26 Raven’s POV Mahaba ang biyahe mula San Felipe pabalik ng Maynila. Tahimik lang si Luna sa tabi ko, habang ako nama’y nakatingin sa kalsada, pilit na pinapakalma ang t***k ng dibdib na parang may bagyong paparating. Habang umaandar kami, ramdam ko ang bigat ng bawat kilometro hindi lang dahil sa distansya, kundi sa mga katotohanang kailangan naming harapin. Matagal na naming tinatakasang dalawa ang mundo, pero ngayong papunta kami sa Maynila, alam kong hindi na sapat ang pagtakas. Kailangang tapusin na namin ang simula ng lahat. “Raven,” mahina niyang sabi, halos pabulong habang nakatingin sa labas ng bintana. “Sigurado ka ba talaga rito? Baka… baka mas lalo lang tayong magulo pag bumalik tayo.” Tumingin ako sa kanya. Kita ko ang bakas ng takot sa mga mata niya hindi dahi

