CHAPTER 41 Luna’s POV Nanginginig pa rin ang buong katawan ko. Ang malamig na hangin mula sa bukas na bintana ng lumang bahay ay parang mga palad ng multo na paulit-ulit na humahaplos sa balat ko. Nakaupo ako sa kahoy na upuan, nakatali ang dalawang kamay, at tanging ang tunog ng kuliglig sa labas ang nagbibigay ng buhay sa katahimikan ng gabi. “Jude… nasaan ka…” bulong ko, habang nagpipilit makawala. Pero ang tali sa aking pulso, mahigpit. Sobrang higpit na tila gusto na ring patayin ang pakiramdam sa aking kamay. Hanggang sa marinig ko ang ingay ng sasakyan sa labas mabilis, matalim, at puno ng ingay ng mga gulong na biglang huminto. May mga yabag. May mga sigaw. “Luna! Luna!” Napasinghap ako. Alam ko ang boses na iyon. Si Raven. “Raven! Nandito ako!” halos mapasigaw ako sa t

