CHAPTER 42 “Sa Huling Paghahanap” Raven’s POV Tahimik ang gabi. Tanging ugong ng hangin sa labas ng bintana ang bumabasag sa katahimikan. Sa bawat pag-ihip nito, tila may dalang mga bulong mula sa nakaraan mga sigaw ng sakit, galit, at mga pangako ng paghihiganti. Hindi ako makatulog. Hindi matapos-tapos ang mga alaala ng mama ko ang huling sandali niya, ang mga salitang hindi ko na narinig, at ang mga lihim na tinago ng ama kong si Jude. Habang nakaupo ako sa tabi ng kama, tinititigan ko si Luna na mahimbing na natutulog. Mapayapa ang mukha niya, pero alam kong pagod din ang kaluluwa niya. Dumaan kami sa impyerno, at hanggang ngayon, parang ayaw pa rin kaming bitawan ng dilim. Hinaplos ko ang buhok niya, marahan. “Luna,” mahina kong bulong, “pangako ko, matatapos na lahat ‘to. Hin

