CHAPTER 22 (Raven’s POV) Mabigat ang hangin ng gabi nang makarating kami sa baryo ng San Felipe Norte isang tahimik na lugar na halos walang dumaraan na sasakyan. Walang signal, walang ilaw sa kalsada, at ang tanging maririnig lang ay ang huni ng mga kuliglig at hampas ng alon sa malapit na baybayin. Matapos ang ilang araw na pagtakbo, sa wakas may pahinga rin. Ngunit hindi ito kapayapaan isa lang itong maikling sandali bago muling sumabog ang gulo. Pinark ko ang sasakyan sa tabi ng lumang bahay na inirekomenda ng isang matandang babae sa tindahan. Sabi niya, “Walang tumitira diyan, anak. Pwede kayong magpalipas. Basta huwag lang kayong mag-ingay.” Tumango lang ako. Wala akong lakas magpaliwanag. Pagbaba namin, halos matumba na si Luna. Namumutla siya, nanginginig, at bakas sa mu

