Chapter 21

1590 Words
CHAPTER 21 (Luna’s POV) Tahimik ang buong gabi. Ang tanging naririnig ko lang ay ang tunog ng makina ng sasakyan ni Raven habang tinatahak namin ang kalsadang paakyat ng bundok, papalayo sa Costa Fuego. Mula sa bintana, tanaw ko ang mga ilaw ng bayan na unti-unting naglalaho sa dilim. Isang tanong lang ang paulit-ulit na umiikot sa isip ko: Hanggang kailan kami makakatakas? “Raven, sigurado ka bang walang nakasunod sa atin?” tanong ko, habang mahigpit kong hawak ang bag ko. “Walang kasunod,” sagot niya, pero hindi na ako kumbinsido. Kita ko sa mga mata niya ang pagod, ang mga eyebag na hindi na kayang itago ng dilim. “Bakit dito tayo pupunta?” muli kong tanong. “Doon sa San Felipe,” sagot niya. “May bahay doon ang lolo ko. Walang nakakakilala sa atin, at matagal nang walang nakatira. Safe tayo ro’n, Luna.” Safe. Ang salitang iyon ay parang pangakong hindi ko alam kung maniniwalaan ko pa. Kailanman, hindi na naging ligtas ang mundo ko mula noong gabing iyon at simula nang malaman ni Jude na ako ang dahilan ng pagkawala ni Raven sa Maynila. Pagdating namin sa San Felipe, inabutan namin ang malakas na ulan. Dumaan kami sa makitid na kalsadang maputik, hanggang sa makarating kami sa isang lumang bahay sa tabi ng burol. Kahit madilim, halata mong luma na ito may mga sirang bintana, may mga bakas ng panahon sa dingding. “Dito tayo,” sabi ni Raven, habang binubuksan ang pinto. Amoy lumang kahoy ang loob. Ang hangin ay malamig at mabigat, parang may mga kwentong naiwan dito. Habang nag-aayos siya ng ilaw, nilibot ko ang paligid. May lumang piano sa sulok, isang painting ng dagat sa dingding, at mga picture frame na puno ng alikabok. Sa gitna ng mga lumang larawan, may isang bata na kamukha ni Raven. “Si lolo at papa,” sabi niya nang mapansin akong nakatingin. “Huling bakasyon namin dito bago siya naging abala sa Maynila.” Tahimik lang akong tumango. Naisip ko, baka dati, masaya rin si Raven tulad ng ibang bata. Ngayon, ang mukha niya ay laging may bakas ng pagod at bigat para bang binubuhat niya ang mga kasalanan ng mga magulang namin. Pagkatapos naming makapaglinis at magpainit ng tubig, umupo kami sa may sala. Walang nagsasalita. Naririnig lang namin ang patak ng ulan at ang ugong ng hangin na dumadaan sa siwang ng lumang bintana. “Hindi ko akalain na mangyayari ‘to,” mahina kong sabi. “Na darating ang araw na kailangan nating tumakas.” “Wala akong pagsisisi,” tugon niya. “Ang mahalaga, ligtas ka.” “Pero paano si Jude?” Napatingin siya sa akin, seryoso. “Hindi na niya tayo kailangang hanapin. Wala na siyang karapatan.” Hindi ko na nasagot iyon. Alam kong galit si Jude at sa galit na iyon, walang sinumang makakapigil. Kinabukasan pumunta si Jude sa mansyon sa Costa Fuego. Kinatok niya ang gate ng malakas para pagbuksan siya. “Raven alam kong nandyan kayo ni Luna buksan mo itong gate.” Saigaw ni Jude habang kinakalabog ang gate. Matagal din sa labas si Jude habang kinakalampag ng maigi ang gate. Naisip niya akyatin ito para makapasok agad sa loob. “Luna, Luna, nasaan ka?” Sigaw ni Jude habang nag hahanap. Pag bubuksan ang lahat ng pinto para makita niya kami. “Raven!” Sigaw niya “Hayop ka ikaw pa talaga traydor sa akin!” Sigaw ni Jude. Halos wasakin ni Jude ang pinto nang malamang wala na ro’n wala na kami sa mansyon. Pinaghahagis niya mga gamit sa loob . Ang dating tahimik na bahay ay parang dinaanan ng bagyo. Ang mga plato, baso, at dokumento pinaghahagis niya sa sahig. “Nasaan sila!” sigaw ni Jude. “Nasaan ang anak kong traydor na ‘yan!” Hanggang sa dumating si Cassandra, suot ang itim na coat, basa ng ulan, at halatang galing din sa mahabang biyahe. “Tito,” sabi niya, mahina pero malamig ang tono. “Anong ginagawa mo po?” “Anong ginagawa ko?” sigaw ni Jude, tumalikod sa kanya. “Tinago ng anak ko ang babaeng ‘yon! Pinagtatanggol pa niya pagkatapos ng lahat ng ginawa niya!” Lumapit si Cassandra, pinulot ang isang piraso ng papel na nalaglag ang litrato naming dalawa ni Raven na kinuha sa Costa. Napahinto siya. “Ito ba ang dahilan?” tanong niya, habang pinapakita ang larawan. “Ito ba ang dahilan kung bakit mo gustong pabagsakin si Raven?” “Hindi mo naiintindihan,” mariing sabi ni Jude. “Niloko niya ako, Cassandra. Ginamit ako ng babaeng ‘yon para saktan ako, at ngayon, anak ko pa ang kumakampi sa kanya!” “Baka hindi mo lang kayang tanggapin,” sagot ni Cassandra, malamig. “Na baka ikaw mismo ang dahilan kung bakit nagkaganito si Raven.” Nanigas si Jude. Napatigil. Tiningnan niya si Cassandra ng matalim, bago sumigaw ulit at itinapon ang baso sa sahig. “Hindi mo alam ang sinasabi mo!” “Bullshit! Pagnakita ko yan bata na yan makakatikim siya sa akin. Baka makalimutan kong anak ko siya dahil sa pag traydor niya sa akin.” Sigaw niya sa habang naka harap kay Cassandra. “Huminahon kayo tito. Walang magagawa ang pagsigaw mo. Pwede mo naman hanapin sila.” Wika ni Cassandra. Napatingin si Jude sa kanya. “Saan ko na naman sila hahanapin ngayong nakatakas na sila dito sa lugar na ito?” Tanong ni Jude. Napabuntong hininga na lang si Cassandra. Balik sa San Felipe Kinagabihan, habang nag-aayos ako ng kumot, napansin kong hindi mapakali si Raven. May hawak siyang cellphone, titig na titig sa screen, pero hindi nagtatype. “May balita ba?” tanong ko. Tumango siya nang marahan. “Malamang pumunta na si papa doon sa mansyon Luna.” Sabi niya sa akin. Tiningnan niya ako. “Alam na niya, Luna. Alam na niya na magkasama tayo.” Parang biglang bumigat ang hangin sa paligid. Wala akong nasabi. Ang tanging ginawa ko lang ay tumingin sa kanya, sabay sabing, “Anong gagawin natin ngayon?” “Hindi ko alam,” sagot niya, halos pabulong. “Pero kahit anong mangyari, hindi kita iiwan.” Naramdaman kong kumapit ang kamay niya sa akin. Mainit, nanginginig, puno ng pangako pero sa likod niyon, naramdaman kong may paparating. Isang unos na mas matindi pa sa galit ni Jude. Makalipas ang ilang araw, habang nasa pamilihan si Raven, narinig ko sa radyo ng mga kapitbahay ang pangalan namin. “Pinaghahanap ang dalawang indibidwal na posibleng may kinalaman sa pagkawala ng isang negosyanteng babae sa Maynila.” Halos matapon ko ang hawak kong tinapay. Ako ‘yon. Kami ‘yon. Agad akong bumalik sa bahay, nanginginig ang kamay. Pagdating ni Raven, pinakita ko sa kanya ang balita. Pinakinggan niya iyon ng tahimik, tapos dahan-dahang sinara ang radyo. “Luna,” sabi niya, mabigat ang boses. “Hindi na tayo ligtas dito.” Kinagabihan, habang nag-iimpake kami, narinig namin ang ingay ng sasakyan sa labas. Mabilis naming pinatay ang ilaw. Lumapit ako sa bintana dalawang lalaking naka-itim ang bumaba sa kotse. Isa sa kanila, may hawak na litrato. “Sigurado ka bang dito ‘yan?” sabi ng isa. “Oo, sabi ng tauhan ni Cassandra, dito raw sila nagtatago.” Napatigil ako. Cassandra. Bumilis ang t***k ng puso ko. Pinisil ko ang kamay ni Raven. Walang salita, tumango lang siya senyas na kailangan na naming umalis. Sa dilim, dahan-dahan naming binuksan ang pinto sa likod. Tahimik kaming lumabas, bitbit ang mga bag. Naririnig namin ang mga yabag sa loob ng bahay, ang mga boses na naghahanap. “Raven!” sigaw ng isa. “Lalabas ka rin!” Pero hindi na kami lumingon. Sa ilalim ng ulan, tumakbo kami palayo, papunta sa kalsadang patagilid sa bundok. Walang ibang tunog kundi ang hangin, ang ulan, at ang t***k ng puso naming sabay-sabay. Habang tumatakbo kami, alam kong isang bagay ang malinaw: Hindi na ito simpleng pagtakas. Ito na ang simula ng digmaan. Isang digmaang hindi lang tungkol sa pag-ibig kundi sa katotohanang pilit tinatago ng mga magulang namin, at sa galit na matagal nang kumukulong handang pumutok. “Bilis Luna baka makita pa tayo mga tauhan ni Cassandra.” Sabi agad ni Raven sa akin. “Oo Raven.” Sagot ko Hingal na hingal ako sa pagtakbo para makatakas kaming dalawa at lumayo na naman kami sa lugar. Dumiretso kami sa mga kakahuyan para hindi kami makita ng mga tauhan ni Cassandra. “Saglit Raven napapagod na ako.” Hingal kong sabi sa kanya. “Sige dito muna tayo saglit pahinga baka madatnan tayo dito Luna.” Wika ni Raven sa akin. “Hanggang kailan tayo tatakas at tatakbo Raven napapagod na ako.” Sabi ko sa kanya. “Hindi ako mapapagod para sayo Luna. Kahit anong mangyari hindi kita iiwan at pababayaan.” Wika niya sa akin. “Kaya tara na Luna baka maabotan pa tayo dito.”dagdag ni Raven sa akin. Tumayo kaming dalawa at mabilis naglakad sa madilim na parte ng gubat. Nakausap ni Cassandra ang mga tauhan niya pumunta sa lugar. “Ano nakita nyo ba pinahahanap ko sa inyo?” Tanong ni Cassandra kausap sa phone. “Wala na kaming naabutan sa lugar ma’am Cassandra.” Wika ng isang tauhan niyang inutusan. “Saan kaya naman sila nagtatago.” Sambit ni Cassandra. “Napaka mailap naman nilang dalawa.” Inis na sabi ni Cassandra. “Raven magpahinga muna tayo pagod na pagod na ako kakalakad.” Wika ko sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD