CHAPTER 20
Raven’s POV
Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakatulala sa kawalan.
Kanina lang, naririnig ko pa ang sigaw ni Papa habang pilit niyang binabawi si Luna sa akin.
Ngayon, ang tanging naririnig ko na lang ay hampas ng alon at t***k ng puso kong parang gustong kumawala sa dibdib.
Pumunta ako sa kwarto ni Luna tignan siya kung anong ginagawa niya. Sumilip ako sa pinto para tignan pero naka bukas ang pinto.
Si Luna, nakaupo sa sahig, yakap-yakap ang mga tuhod niya.
Namamaga ang mata niya sa iyak.
Lumapit ako, dahan-dahan, at umupo sa tabi niya.
“Hey,” mahina kong sabi. “Tahan na.”
Umiling siya, hindi tumitingin sa akin.
“Raven, mali ‘to. Dapat hindi mo ako itinago. Alam kong mas lalo kang mapapahamak ngayon.”
Hinawakan ko ang kamay niya.
“Kung mali ang ipagtanggol ka, ayokong maging tama.”
Napatingin siya sa akin luhaan, pero may halong takot.
“Hindi mo kilala ang papa mo gaya ng pagkakakilala ko sa kanya,” sabi niya, nanginginig ang boses.
“Hindi siya titigil hangga’t hindi niya nakukuha ang gusto niya. Gagawin niya ang lahat, kahit sino pa ang masaktan.”
Tumingin ako sa sahig, at saglit akong natahimik.
Tama siya.
Kilala ko si Papa at mas kilala ko kung gaano siya katalino, at kasindak-sindak kapag galit.
Kinabukasan, maaga akong nagising.
Tahimik ang paligid, pero alam kong hindi na kami ligtas.
Pakiramdam ko, may mga matang nagmamasid mula sa dilim mga tao ni Papa, o marahil si Cassandra mismo.
Pagbaba ko sa sala, nakita ko si Luna sa kusina, nagtitimpla ng kape.
Ang buhok niya magulo, ang mata niya puyat, pero sa kabila ng lahat ng iyon, may kakaibang liwanag sa mukha niya isang tapang na hindi ko akalain na meron siya.
“Anong balak mo ngayon?” tanong niya, habang inilalapag ang tasa sa harap ko.
“Lalaban ka ba… o tatakas?”
Humigop ako ng kape, marahan.
“Pareho.”
Tumaas ang kilay niya.
“Anong ibig mong sabihin?”
“Lalaban tayo, pero hindi dito. Kailangan nating umalis sa Costa Fuego bago sila makagalaw.”
“At saan tayo pupunta?”
“May lumang bahay sa San Felipe, dating pag-aari ng lolo ko. Walang nakakakilala roon. Doon muna tayo magtago habang iniisip ko kung paano haharapin si Papa.”
Umiling si Luna.
“Raven, ayoko na tumakbo. Pagod na ako. Gusto ko na lang matapos ‘to.”
Hinawakan ko ang pisngi niya, pinilit kong ngumiti.
“Matatapos din ‘to, Luna. Pero hindi ngayon. Hindi pa.”
Bandang tanghali, may kumatok sa gate.
Isang lalaking may dalang sobre, naka-itim, at may suot na sunglasses.
“Para po kay Mr. Raven Villanueva,” sabi niya.
“Galing po sa Maynila.”
Kinuha ko ang sobre, at bago pa ako makapagtanong, tumalikod na siya at umalis.
Binuksan ko ang sobre at halos mabitawan ko ito nang makita ko ang laman.
Isang larawan.
Larawan naming dalawa ni Luna, kuha mula sa labas ng bahay.
At sa likod ng larawan, may sulat-kamay:
“Alam ko na kung nasaan ka. Hindi mo ako matatakasan.”
Papa
Parang binuhusan ako ng malamig na tubig.
Napalunok ako at mabilis kong itinago ang larawan.
“Sino ‘yon?” tanong ni Luna.
“Wala. Mali lang ng address,” pagsisinungaling ko.
Pero alam kong hindi ko siya kayang lokohin nang matagal.
Matalino si Luna.
At sa tingin niya pa lang sa akin, alam niyang may tinatago ako.
Kinagabihan, habang natutulog si Luna, lumabas ako ng bahay.
Nasa dalampasigan ako, nakatingin sa buwan.
Ang alon, kumakalmot sa buhangin, parang galit na gustong kumawala.
“Anak,” narinig kong pamilyar na boses sa likod ko.
Paglingon ko si Papa.
Nakatayo siya, may kasamang dalawang bodyguard.
“Hindi kita gustong saktan,” sabi niya, malamig ang boses.
“Gusto lang kitang ilayo sa kapahamakan.”
“Kapahamakan? O kay Luna?”
“Pareho. Hindi mo naiintindihan, anak. May mga bagay sa mundong ‘to na hindi dapat pinaglalaban. Isa na ‘yan ang relasyon mo sa babaeng ‘yan.”
“Hindi mo siya kilala, Papa.”
“Hindi ko kailangan siyang kilalanin para malaman kung anong kaya niyang sirain. Tingnan mo nga nagkagulo ang pamilya natin, bumagsak ang pangalan natin, pati ikaw, tumakbo.”
Napangiti ako ng mapait.
“Kung ‘yan ang tingin mo, mas lalo kong ipaglalaban siya.”
Humakbang siya palapit.
“Raven, huwag mo akong pilitin na pumili sa pagitan mo at ng pangalan natin.”
“Hindi mo kailangang pumili, Pa. Kasi ako ang pipili at pipiliin ko si Luna.”
Tumigas ang panga niya.
“Kung ‘yan ang gusto mo…”
Sabay senyas sa mga tauhan niya.
“Bantayan niyo ‘tong lugar. Huwag niyong paalisin ang babae.”
Naiwan akong nakatayo habang papalayo siya, dala ang bigat ng mundo.
Alam kong mula ngayon, hindi na ako ligtas.
At si Luna, lalo na.
Pagbalik ko sa bahay, nakita ko si Luna sa sala gising, nakaupo, at umiiyak.
“Narinig ko lahat,” sabi niya.
“Narinig ko siya, Raven. Narinig ko kung paano ka niya tinuturing na parang pag-aari.”
Lumapit ako at niyakap siya nang mahigpit.
“Huwag kang matakot. Hindi ako aalis sa tabi mo.”
“Pero paano kung mapahamak ka dahil sa akin?”
“Kung mamamatay man ako, gusto kong mangyari ‘yon sa laban na pinili ko. At ikaw ‘yon.”
Humigpit ang yakap niya.
Nararamdaman ko ang luha niya sa dibdib ko, mainit, masakit, totoo.
Sa sandaling iyon, parang huminto ang mundo.
Wala nang negosyo, wala nang politika, wala nang pangalan kami lang.
Kinabukasan, habang nag-iimpake kami, biglang may kumatok.
Isang pamilyar na boses mula sa labas.
“Raven, buksan mo ‘to. Si Cassandra ‘to.”
Napatigil kami pareho.
Nagtago agad si Luna sa likod ng pinto.
Binuksan ko ito, marahan.
Nakatayo si Cassandra, naka-itim na bestida, at may ngiti sa labi.
“Ang ganda pala ng pinili mong taguan.”
“Anong ginagawa mo rito?” tanong ko.
“Ako ang dapat magtanong niyan. Hindi mo ba alam na hinahanap ka ng ama mo?”
“Alam ko.”
“At alam mo rin bang ako ang tinawag niya para hanapin ka?”
Hindi ako sumagot.
Tumingin siya sa paligid, saka ngumiti ng matalim.
“Nandito siya, hindi ba? Si Luna.”
“Wala siya rito.”
“Raven, kilala kita. Hindi mo kayang itago sa akin ang totoo.”
Lumapit siya, halos dumikit sa mukha ko.
“Pero sasabihin ko sa’yo, habang maaga pa umalis na kayo. Dahil pagbalik ni Jude, hindi lang galit ang dala niya. May kasama siyang mga taong hindi mo kakayanin.”
“Bakit mo sinasabi ‘to?”
“Dahil ayokong mamatay ka, Raven. Hindi pa.”
Tumalikod siya, pero bago siya tuluyang lumakad paalis, bumaling siya sa akin at bulong:
“Hindi mo alam kung sino talaga si Luna, Raven. Kaya maghanda ka.”
Pagkatapos umalis ni Cassandra, agad kong hinanap si Luna sa likod-bahay.
Nakita ko siyang nakaupo sa lilim ng puno ng niyog, tahimik.
“Luna,” sabi ko. “May kailangan akong itanong.”
“Alam ko,” sagot niya. “Narinig ko ang lahat.”
Umupo ako sa tabi niya.
“Ano bang ibig niyang sabihin? Sino ka ba talaga, Luna?”
Matagal siyang natahimik bago nagsalita.
“Hindi mo kailangang matakot sa sagot, Raven. Pero totoo, may tinatago ako.”
“Ano ‘yon?”
“Bago ako pumunta rito, may dala akong mga dokumento mga papeles na magpapatunay na may ginawang pandaraya si Don Santiago at si Ramon sa dating proyekto sa Maynila. ‘Yun ang dahilan kung bakit ako hinahabol nila.”
Nanlaki ang mata ko.
“Ibig mong sabihin… alam mo ang sikreto nila?”
“Oo. At alam ko ring kapag nalaman ni Papa mo na nasa kamay mo ako, hindi lang negosyo ang mawawala pati ikaw.”
Parang gumuho ang mundo ko.
May taong talaga mapagsamantala kahit kadugo mo pa at, may tinatago palang kasinungalingan.
At ngayon, ako mismo ang magiging banta sa kanya.
Kinagabihan, habang mahimbing ang buong bayan, nagpasya na kaming umalis.
Kinuha ko ang lumang motorsiklo sa likod-bahay, nilagay ko ang kaunting gamit, at tinulungan ko si Luna umangkas.
“Handa ka na?” tanong ko.
“Wala nang atrasan.”
Habang tumatakbo kami sa madilim na daan, ramdam ko ang hangin sa mukha ko at ang mahigpit na pagkakayakap ni Luna sa likod ko.
Sa likod namin, ang liwanag ng Costa Fuego at ang mga aninong alam kong papalapit na.
Habang papalayo kami, tumingin ako sa langit.
Ang buwan, kalahati lang ang liwanag.
Parang ako kalahati ng sarili ko naiwan kay Papa, kalahati nasa bisig ni Luna.
Sa isip ko, binitawan ko ang isang tahimik na panata:
“Hindi na ako babalik hangga’t hindi ko alam ang buong katotohanan. At kung kailangang labanan ko ang sarili kong ama, gagawin ko alang-alang sa babae at sa katotohanang tinago niya sa akin.”
Sa harap ng liwanag ng buwan, tumatakbo kami palayo
ang dalawang kaluluwang tinatalikuran ang mundo,
pero tinatahak ang simula ng digmaan.
“Saan tayo pupunta Raven?” Tanong ni Luna sa akin.
“Lalayo tayo dito Luna kailangan para sa katahimikan mo din.” Wika ko sa kanya
“Gusto kong malaya tayo Luna at gagawin ko para makasama kita.” Sabi ko sa kanya
“Pero Raven hahanapin at hahanapin tayo ng papa mo.” Wika niya sa akin
“Bahala na Luna basta hindi kita pababayaan. Wika ko sa kanya habang nagmamadali kaming tumakas n Luna.