Ano to?” takang tanong ni Lucinda kay Jonathan nang makita ang isang Dyaryo kung saan nasa balita ang babaeng kinupkop nila. Nasa balita din na Anica Bryant ang pangalan nito at Asawa nang isang sikat na General. “Kailan mo pa alam kung sino siya? Bakit hindi mo sinabi? Tuwing tinatanong ka niya sinasabi mong walang naghahanap sa kanya.” Ani Lucinda. “Pwede ba tumahimik ka baka marinig ka niya.” asik ni Jonathan at inagaw ang dyaryo kay Lucinda. “Ililihim mo ito sa kanya? Hindi kaba naawa sa kanya. Hinahanap siya nang asawa niya.” wika ni Lucinda. “Sinabi kong tumahimik ka!” sigaw nito. “Bakit hindi ka nalang tumahimik gaya nang ginawa parati Pretend that you don’t know anything. Makakabuti din saiyo yan.” Wika pa nito. “Anong binabalak mo sa kanya?” tanong ni Lucinda. “Hindi mo ba n

